09

9.2K 243 6
                                    

Strings of my guitar, piano keys, microphone, my second journal where I write my lyrics, and my voice. I've been using all of it from the past few months since I ended my last relationship.


Noong bata pa ako, lagi kong naiimagine ang sarili ko na kumakanta sa harap ng maraming tao. Sa stage, sa isang production mula sa TV, at kung sisiskat man ako, mga concert. Pero laging sinasabi ni Mama, walang kasiguraduhan ang pagkanta. Kaya ginawa ko lamang itong libangan.


But singing became my escape, a place where I could be alone with my thoughts, express my emotions, and become the real version of myself.


The harmony of music became my friend. Siguro kung totoo ang past life, maybe I was still a singer and a songwriter.


That's when the band came into picture. Kio and I were the first close friend before he started building the band. Dati may crush ako sa kaniya dahil sa galing ng paghalik ng mga daliri niya sa string ng guitara. Tila ba nakamagnet ang kamay nito sa tuwing tinamaan ang mga nota sa pagkanta.


But Kio is straight. Lagi naming pinagtatawanan ang isa't isa sa tuwing naipapaalala sa amin kung gaano ko siya kagusto noon. Now we're close friends.


Marami akong natutunan sa kaniya na hindi ko malalaman kung hindi kami tutugtog dalawa. Kaya ang mga maliliit na raket at gig mula sa mga birthday, kasal, at mga simpleng okasyon ay pinapatos namin. Wala namang mawawala kung hindi namin susubukan.


Hanggang sa nadagdagan kami ng dalawa. Kilala ko na si Almira dati pa. Theater kid kaya may puso din sa musika. Mostly guitara ang kaniyang forte gaya ni Kio pero karaniwan na siya ang lead vocalist namin.


Lagi na ring napapasama ang boyfriend niya na si Jei, mula din sa teatro, pero ang talento niya ay hindi naubos sa pagiging drummer. Sa mga palaro o mga okasyon sa campus, kasama siya sa mga bandang tumutugtog. Kaya may kasanayan na rin siya.


Sa mga sumunod na taon, mas lalong lumalim ang samahan naming lahat nang dahil sa banda.


We usually sing in malls, parks, and different public areas just to get exposed. Habang umaangat ako sa YouTube, sinasabay ko ang banda namin.


But music didn't became our priority. Kio quit college during his third year, inalaagan niya muna Lolo niya na may sakit. May allowance naman siyang nakukuha mula sa pamilya niya abroad, kinailangan lang talaga ng pansamantalang mag-aalaga. Natapos ni Almira at Jei ang kanilang kurso sa teatro. Maganda ang trabaho nila sa isang theater entertainment kung saan sunod-sunod silang booked.


And now here come's me... inside law school.


Binuksan ko ang aking laptop at nagpunta sa aking channel. Hindi ko madalas tinitingnan ang statistics ng aking channel lalo na ang engagement or views nito. Pero sa kakakulit ng mga mutuals at kaibigan ko sa IG, napasilip ako.


It's been a month since I became active again. Sunod-sunod ang covers ko sa songs, may mga vlogs din ako from campus with my friends. And the good thing is, I'm not that scared to hold my pen and piano.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon