24

4.1K 85 2
                                    

Nagising ako sa ilang ulit ng pagtawag mula sa aking phone. Mula na naman ito sa client ko at tawag din mismo sa firm.


2 a.m. pa lang dalawang oras pa lang din ang tulog ko, pero wala akong magawa kung 'di ang bumangon, magbihis ng aking suit kahit wala pang ligo, at ihanda ang sarili ko sa pagpunta sa presinto.


Anak ng mayaman ang client ko ngayon. Nagpunta ng club, napa-away, kaya ngayon nasa presinto dahil sabog ang mukha ng lalaking binugbog niya kasama ang mga barkada niya rin mismo.


Pagdating ko sa location na ibinigay sa akin, naging madali na lang ito sa paghahanap ko dahil familiar na ako sa daan at dahil din dito nakadestino si Rafael.


I've been avoiding him for two weeks. Hindi ko magawang humarap sa kaniya at kausapin siya sa nararamdaman ko tungkol sa aming relasyon.


It's not that it's that terrible, but it's not healthy anymore.


I just hope he's on duty far away from this precinct.


Habang kinakausap ko ang pulis at humingin pa ng detalye na hindi ganoon kabuo, bigla na lamang tumayo ang client ko papunta sa kabilang dulo kung saan naroon ang iba pang mga nakabugbugan niya kanina.


Muli siyang nag-amok, may tama pa rin ng alak.


"Mga gago kayo, 'nong tinitingin tingin niyo ha!" sigaw nitong lalaki sabay dakma sa mukha ng isa.


Agad akong tumayo at nagtangkang hilain siya pabalik sa kinauupuan namin, pero huli na, nagsagupaan na ulit sila, isa laban sa tatlo. Sinapian ng kagaguhan ang client ko.


"Sir! Paawat na sila!" pagtawag ko pa sa ibang pulis dahil ang dalawang pulis na umaawat ay hindi sila mapigilan.


Mas lalo lang lalaki ang kaso nito kung hindi ito titigil. Kaya sumawsaw na rin ako at sinubukang hilaain ang isa sa mga nakaaway niya.


Nanginig ang buong ulo ko nang sikuhin ako ng isang lalaki. Ramdam ko ang pagkawala ng balanse dahil sa sakit ng pagtama nito sa akin.


Gusto ko na lang magmura sa sakit pero lalo akong nagtimpi nang makita ang pagtulo ng dugo sa suit ko.


"Fuck!" hindi ko na napigilan ang sakit kasabay ng hindi ko kayang pagpigil sa pagdaloy ng dugo ko sa ilong.


Sa pagtayo ko ay nagsidatingan na rin ang ibang pulis para awatin sila. Ang iba ay galing sa itaas, samantalang ang iba ay galing pa sa labas.


"Attorney Laurente?" tinulungan ako sa pagtayo ng isang lalaki na may pamilyar na boses.


Now I don't know which one is more painful: my bleeding nose or seeing Rafael right now?


Pagkatapos kaming tulungan ng medic nila ay nahimasmasan na rin ako at maging ang aking client. Pasikat na ng araw at nanitili na muna ako sa sasakyan ko.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon