28

4.1K 83 2
                                    

I think there is so much beauty with accepting that people has to live and we have to continue moving on.


Wala kung ano man ang makapagpipigil sa pangyayari na ito. It's part of growth. At kung pipiliin nating manatili sa iisang lugar, walang pag-usad, walang pagbabago, walang mangyayari.


This has been by far the hardest part of it all. Seeing myself outgrowing the people I know, especially the people that I love. If they never left me I'll never grow, if they never hurt me I'll never learn.


Tuluyan na muna akong huminto sa lahat. Pagkatapos kong huminto sa pagttrabaho sa law firm, hindi na rin muna ako pumirma ng bagong kontrata sa Star Entertainment.


Hindi ako madalas magtravel mag-isa lalo na sa ibang bansa. Kung sa buong Asia, siguro kaya ko pa, pero ngayong mag-isa akong pupunta ng Europe, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Pero hindi ko rin malalaman kung hindi ko masusubukan.


Ilang buwan din akong naghanda para paglipat ko roon. Susubok mag-apply ng trabaho para may pinagkakaabalahan. Pero hindi talaga ito ang dahilan kung bakit ako pupunta doon.


May ipon ako mula sa trabaho at sa entertainment. Hindi naman siguro ako mapapagastos hanggang maubos ang savings ko.


Matagal ko na rin kasing napag-iisipang tumira na muna doon. Hindi ko alam kung permanente na, hindi ko tiyak kung papaano ako tatangayin ng hangin doon.


The only thing I'm sure of is that Amsterdam is calling me again.


"Yung bag pack mo, maayos na?" pagpapaalala sa akin ni Papa na ngayon ay nasa loob ng kuwarto ko.


"Pa, mas praning ka pa sa akin," pagpunto ko sa reaksyon niya.


Noong nakaraang araw, dito kami sa bahay ni Papa nagkaroon ng small gathering kasama ang mga closest friends ko. Of course I want to see them all before I go because I don't know when will I ever come back.


Sunod sunod na ipinaalala sa akin ni Papa ang papeles na kailangan ko, passport, ticket, at kung ano ano pa na matagal ko nang naayos sa bag ko.


Pagkatapos ay hinatid niya na ako sa airport. Ibinilin ko sa kaniyang ang sasakyan ko na matagal ko ring inalagan.


Naalala ko noon, si Papa ang lagi naming hinahatid nila Carlo sa airport sa tuwing aalis siya para magtrabaho abroad. Now, I'm the one who's leaving.


"Kung kailangan mo ng makakausap, kailangan mo ng pera, at kung ano pa man, tawagan mo lang agad ak—"


Niyakap ko agad siya ng mahigpit bago pa man maging dramatic ang lahat. "Thanks, Pa."


Like they always say when leaving the airport, 'wag raw lumingon. Kaya hindi ako lumingon. Baka magbago bigla ang isip ko.


When I reached the country, I booked a cab to get to the hotel. The first few weeks, I was just roaming around from cities after cities. Nagresearch na ako matagal na dito sa Amsterdam at isa isa ko ring pinuntahan ang mga apartment na nahanap ko.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon