25

4.6K 95 0
                                    

A year and a half went by in a blink of an eye. Maybe I was fully occupied to notice it because of my busy schedules.


"Really? Forte mo 'tong case na 'to 'di ba?" napakunot ang noo ng isang workmate kong abogado habang nasa lunch break kami ngayon.


"Marami lang talaga akong loads ngayon," pagtanggi ko sa offer niya.


The truth is, I'm slowly trying not to accept more clients right now for the reason that I am now working back with Star Entertainment.


After kong magsign ulit ng contract sa kanila, nabigyan agad ako ng trabaho pabalik. I chose Charmaine to be my manager this time while also being one of the producers together with Jared for the future projects that we will have.


For now, napagdesisyunan ni Charmaine na maging lay low muna kami sa come back ko. Kaya nang lapitan ako ng isang film director na nakausap ko dati during sa isang hosting show sa pageant ni Beauty ay tinanggap ko na ito.


"So, what should I call you? Atty. Clay or—"


"Clay na lang Direk Gwen," I insisted para hindi masyadong awkward at formal.


Pagdating ko sa building kung saan sila nag-eedit ng film, pinanood niya sa akin ang mga importanteng eksena hanggang sa matapos ang buong pelikula.


"Dito sa raining sequence, gusto ko sana naayon yung sound production sa pagbuild-up ng tension, pero at the same time, yung eksena kung saan maghaharap sila, magaan pa rin sa kanilang dalawa," pagpapaliwanag niya.


"I'll make it as an alternative one?" pagcoconfirm ko.


"That sounds good, pero parang hindi tutugma masyado sa navivisualize kong eksena," she honestly said.


Patuloy naming binalikan ang mga scene. The actors and actresses here were great. Lianna, the main character, she's a known actress with her soft face but can cry effortlessly. Theo, the leading man has been in this industry ever since he was a child. Naaalala ko tuwing hapon dati ay pinapanood ko yung teleserye niya kasi siya yung bida.


"Then just like strings, we'll connect the same song that are intertwined in this sequence, harmony of your voice would be great," she added.


The film is about the relationship of a childhood couple who are now married but still struggling with understanding themselves.


Kaya ang naisip ko na genre na sa tingin ko ay bagay din sa theme ng pelikula ay, "soft ballad?"


"We'll try that," she agrees finally.


Nabigyan naman ako ng isang buwan para buuhin ang kanta dahil mahaba naman ang nailaan na time sa kanila sa film.


Habang nasa firm ako at tinatapos ang ibang mga kaso ko ay nagsusulat ako ng mga poems at pati na rin mga lyrics. In my excess days, pinapanood ko naman ang mga naging pelikula ng dalawang bida at mga gawang pelikula din ni Direk Gwen para mas lalo akong magka-idea sa gusto niya.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon