10

9.1K 241 23
                                    

"Here, kaya mo?" inaabot niya sa akin ni Seb ang kaniyang helmet na ilang beses na akong nahihirapang isuot at tanggalin. Sinundo niya ako mula sa unit gamit ang kaniyang scooter.


"Kaya ko na," I lied kahit hindi ko na naman maalala kung paano ito isuot. Nang hula na lang ako hanggang sa tumama ako. Why does he choose helmet that is so complicated to wear like this? Or maybe ako talaga yung complicated.


Dumating kami sa isang restaurant sa kabilang city na last week pa nabook ni Seb. I haven't tried it here pero sabi niya nasubukan niya dito isang beses kasama ang parents niya.


Hindi ako masyadong sanay mga fine dining, pero sa tuwing inilalabas ako ni Mama noon at ni Papa ngayon sa mga okasyon ay ganitong restaurant ang pinupuntahan namin.


I oredered seafood dishes paired with the main dish of their steak while Seb ordered pasta and a complimentary drinks.


"You know, nung sinabi mong fine dining hindi ko inexpect na ganito ka-fine," bulong ko sa kaniya.


"Well, I wanted to make it special," he laughs.


"OA 'yang special mo,"


"OA ka rin kasi 'e," he replies.


"Ano?" I raised my brow.


"Special ka rin kasi, sabi ko," he smiles until his eyes were hiding again from his fluffy cheeks.


Habang kumakain kaming dalawa, we're both talking about the past two weeks we haven't seen each other. Well, we've met last week from a coffee shop pero hindi rin kami nakapag-usap ng matagal dahil kailangan naming mag-aral.


Mahilig siyang magkuwento ng tungkol sa kaniyang OJT at lagi naman akong interesado sa mga kwento niya tungkol dito. I always like listening to him, specially to the things that interests him the most.


"You liked the food?" he asks and then I nod.


Hindi pa kami tapos magkuwentuhan pero pareho na kaming tahimik at kumakain.


I just noticed, both of us like being together like this. Tahimik habang kumakain, sapat na ang titigan para mainitindihan ang lahat. Para bang kalmado ako at walang iniisip sa tuwing kasama ko.


I'm not in a survival mode when I'm with him. Siya ang nag-iisip, siya ang kumikilos, siya ang gumagawa ng lahat pero hindi siya napapagod para sa akin kahit alam kong pagod na siya. And with that, I feel calmer when I'm wtih him.


Hindi namin kailangan ng every minute update or even every day conversation. Pareho naming naiintindihan ang oras na meron kami.


I don't know if that's because we're just starting this relationship, but I just feel like this is just the way it is. Silence between us comforts us. Seb comforts me.


We decided to walk around just to spend few more hours before we go back. Tahimik ang daan na aming tinahak, sapat ang liwanag mula sa mga streetlight, at tanging ang mga yapak ng maingay naming mga sapatos ang naririnig.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon