22

4.4K 103 13
                                    

Nagdadalawang isip ako kung tama ba itong daan na tinatahak ko.


I was driving on my way following the address that my phone is pointing at the maps.


Gusto kong bisitahin ang kaibigan ko nang tawagan niya ako kagabi. Pagdating ko sa tapat ng isang bahay na may pulang gate, I parked my car away from the road for safety.


Kukunin ko na sana ang bag ko nang biglang magring ulit ang aking phone.


Kagabi pa tumatawag si Papa simula nang lumabas ang Bar result kahapon pero hindi ko pa rin siya magawang kausapin kaya gaya kagabi, I mute him off.


Kumatok ako sa gate at ilang minuto lang ay pinagbuksan na rin ako ni Cory.


"Clay! Congratulations Attorney!"


She hugs me so tight that I heard my bones stretch.


"Thank you!"


"Halika, nagluto ako, pasok!"


Pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga alaga niyang aso at pusa. Hindi ko alam na marami pa lang siyang mga pet.


Hinanda niya ang hapunan na ginawa niya at nagsalo kaming dalawa. Wala si Ray ngayon dahil nasa trabaho pa siya kaya kaming dalawa lang ang naiwan ngayon.


"Saka 'yung mga kanta mo! Nako, gustong-gusto ko," makulit niyang sinabi dahil sa paulit-ulit niyang papuri sa akin.


"Anong paborito mong kanta?"


Napahinto siya sa paghahanap ng kung ano mang kinakalikot niya sa kaniyang drawer para isipin ang tanong ko, "maliban sa Amsterdam Tears, gustong gusto ko 'yung Limot at Thesis, si Ray naman paborito niya yung Sana Ikaw at 'yung Sandali Lang,"


Bigla niyang inangat ang isang CD na may pamilyar na cover.


"See! Bumili kami ng tatlong CD mo," pagtawa niya.


"Wait may pen ako, akin na at mags-sign ako," pagbibiro ko, "next time papadalhan ko kayo ng ibang version ng CDs," I promised.


Then the dinner ended with a wine in her balcony where we could see her small space garden.


"Grabe, hindi ko akalain na mapupunta tayo sa ganito, isipin mo dati, nagtitinda lang tayo sa shop ko, ngayon abogado at singer ka na?" she said holding her wine glass.


"Me too,"


Napabuntong hininga siya nang malalim at ako naman ay nagpipigil sa pagluha kaya iniiwas ko sa akin ang usapan.


"Look at you, kasal na kayo ni Ray?"


"At masusundan na ng baby Cory or baby Junior," she smiles.

Rhythmic Laws (Law School Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon