Chapter XII | The Golden Fleece

17 1 0
                                    

Aliyah's POV

As soon as the Ischyros blasted off sa Maira-ira iba na agad ang tibok ng puso ko. Grabe yung kaba na nararamdaman ko. May experience naman na kami sa battles pero that's pure bloodshed kasi, etong gagawin namin ngayon ay mission which makes it very different.

Isa pa sa nagpadagdag sa kaba ko ay ang kaibigan din namin na anak pala ni Poseidon na hanggang ngayon ay unconcious at ginagamot pa din ni Gabbie.

"Jake pre, kanina bat ba galit na galit sayo si Poseidon? Di ba parang sabi niya nilapit niya na sayo ang anak niya pero di mo pa din daw nirecruit? Kilala mo ba tong babae na to?" Tanong ni Josh.

"Yes. That's Jillian... She's my... my... ex."  Jake said while stuttering.

Lahat kami ay na-shock sa narinig.

"Ex mo si Jill?!" Gulat naming tanong ni Rilee.

Sa huling pagkakaalala ko kasi high school pa yung last boyfriend ni Jillian. Hindi sinabi ni Jill kung ano name nung boy, and up until now mahal niya pa din yung lalaki na yon.

"Yes. To be completely honest I'm also in shock right now. Jill is connected sating lahat bukod kay Josh. Lahat kayo middle school classmates niya. You girls and Gabbie are her best friends. Pinadali nga ni Poseidon ang buhay ko, pero naoverlook ko." Sagot ni Jake sakin.

"Eh ex mo pala bat di mo pa nirecruit non?" Tanong muli ni Josh.

"We were high school lovers. Hindi ko alam na demigod siya. I had no clue." Muling sagot ni Jake.

"Eh bat nga sabi ni Poseidon 'I HELPED YOU HAVE A SIMPLER LIFE'?" Pangga-gaya ni Josh kay Poseidon.

"Everything just made sense kanina. Ngayon lang ako naliwanagan, and I do get bat siya nagagalit sakin. Though alam kong partly galit siya dahil nga di sila magkasundo ni Mom. Pero, to tell our story, I met Jillian at a beach sa Batangas, and she saved me from drowning. Every date namin laging malapit or sa body ng water. Which made Poseidon right, he gave me ton shit of clues. If only I made the time stop, malalaman ko kung sino siya." Sising sabi ni Jake.

"True enough. Pero let's not dwell on the past, nandito naman na si Jillian. Let's all focus on the mission." Saad ni Keith habang sinisikipan ang gloves niya.

Tumango naman ang lahat sa sinabi ni Keith. Isa-isa na din kaming nag-ayos dahil anytime ay baka malapit na kami sa Lawless land.

--

"How's Jillian doing?" Tanong ni Jake nang makita si Gabbie pabalik sa upuan niya.

"Okay na ang mga sugat ni Jill. She had a few stitches but she's stable. However, we're on a mission. Having her here na walang bantay mamaya will only make us vulnerable.We need a new plan." Sambit ni Gabbie habang umuupo.

"Gabbie has a point. Unconcious or not hindi tayo pwedeng sumabak don with Jillian here lalo't wala pa siyang alam sa kung anong nangyayari. I can't risk my friend's life right now. Plus, I'm sure na handa na ang rebellion for us and sure ako na a bigger battle will happen between us and thousands of them. Having Jillian here with us will probably slow us down." Pagsang-ayon ko kay Gabbie.

"Idagdag mo pa yung bilin ni Poseidon kanina na ingatan daw ang anak niya. Mahirap na galitin natin siya lalo't puro dagat ang nakapaligid satin." Kai said.

"Teka lang guys ah. Baka naman mag plano na to si pinuno. Imposible namang wala." Komento ni Josh.

"Yes, I do have one. Isa lang ang maiiwan kay Jillian dito sa Ischyros and the other 6 will retrieve the golden fleece. Gabbie will be the one to take care of Jill, Josh will be the one to retrieve the golden fleece, while the rest will be the defense in case na may rebellion na talaga don." Jake instructed.

The Fall of AtlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon