Gabbie's POV
Matapos naming kumain ay lumabas kami sa likuran ng bahay nila Jake. Nag-set up kami ng mga upuan at bonfire para sa inuman namin. Madaming klase ng alak ang pinadala ni Jake kay Aliyah which worries me dahil malamang walang tulugan nanaman to.
Habang inaayos ko ang lamesa kung nasaan ang mga pulutan lumapit sakin si Alex at tinulungan ako.
"Minsan kahit papano, ang sarap pa din pala maexperience maging normal na tao." He opened.
"Bakit naman? I mean, we still are living our lives like normal mortals. Lalo ka na, you're the life of the party kaya. Gabi-gabi ka ngang nasa clubs." Sagot ko dito.
"Yeah. Pero alam mo ilang linggo pa lang ako dito ang dami ko na napansin sa inyo. As much as I am enjoying every moment of my life, kabaliktaran naman kayong lahat. Ramdam ko yung bigat ng pressure sa inyo. Don't get me wrong Gab ah, I am pressured too. Hello, tayo ba naman ang may hawak ng kinabukasan ng mundo, sinong di mapepressure diba? Pero most of you nakakalimutan na yung mortal achievements niyo. For example this party. Sure ako, kung di nag initiate si Jake ng party at meeting, at kung di ko natapos yung bracelets before the grad malilimot niyong lahat mag celebrate ng graduation natin." He said.
His words pierced through me like a sharp dagger. Alex is right. Kung wala lahat to, malamang wala din talagang nagcecelebrate samin ngayon. Lalo na siguro ako. Nasa bahay lang siguro ako nagmumukmok dahil wala akong parent sa graduation.
"You're right. Nakakalimutan na nga namin maging tao. Pero thanks to you and Jake, if it wasn't for the both of you wala naman talagang ganito. Pero alam mo sobrang grateful din talaga ko kay Jake. Siguro dahil simula nung dumating ka sobrang naging busy tayo lahat kaya naging ganito, pero it was a little different before. Jake always sets parties like this to remind us to rest and enjoy. This is like a norm na. Naging rare nga lang lately dahil siguro na din sa mortal and non mortal errands natin. Don't worry Alex. Just trust Jake and everyone of us. We still take care of ourselves and our mental well beings." Assurance ko dito habang sinasalansan ang chips.
When we finished fixing the table, umupo na kami ni Alex malapit sa bonfire. I sat beside Keith dahil yun na lang ang natirang pwesto. Ayoko sana kasi apektado pa din ako ng pag taas niya ng boses sakin kanina. Kaso wala akong magagawa dahil ayoko din naman mag taka si Yvonne na di nanaman kami nagpapansinan ni Keith.
Keith opened two bottles of flavored beer and handed one to me at yung isa ay mabilis niyang nilagok. Tinanggap ko ito at kinapa ang bulsa ko. Nilabas ko ang cetirizine sa bulsa ko at inabot iyon kay Keith. Like me, tinanggap niya lang ito na hindi nagpapasalamat.
He still looks annoyed, and I am too. Pero di naman ako monster para di maalala ang allergy niya sa alak. He is still my greatest love kaya muscle memory na din sakin ang may cetirizine sa bulsa para kung maka-inom siya ng alak ay may bitbit akong gamot niya. Like ngayon, di ko ineexpect na lalagok siya ng ganon kadami.
Ang di ko lang magets ay bakit mas parang galit pa siya sakin. Sereyoso talaga siyang isinisisi sakin yung di natuloy na date nila ni Ysa? What a dick move Keith!
--
Ilang oras na ang lumipas at may kanya-kanyang chismisan na ang lahat. Yung iba tipsy na, yung iba may tama na, yung iba naman ay parang di naapektuhan ng alak. Kagaya ko, medyo madaming bote na ang nainom ko pero wala pa din talaga kong tama. Ganon din tong katabi ko na kanina pa tahimik at puro inom lang ang ginagawa.
Dahil sa sobrang tahimik naming dalawa, I decided to confront him na sa nangyari samin kanina.
"Keith. Can we talk privately?" I asked.
BINABASA MO ANG
The Fall of Atlas
FantasyAfter igniting the Trojan War, Eris, the Goddess of discord and strife was imprisoned by Zeus in the depths of Tartarus. For many years the Goddess made use of her time to plan her escape and start a revenge on the Olympians for imprisoning her. She...