Chapter VII | Echidna and The Daemons of Darkness

15 1 0
                                        

Kai's POV

"Kai, hindi nga pwede. Wag mo na ipilit mag-aalala lang sayo si Mom." Sabi ni Kuya Kaden habang nakatutok sa laptop niya.

"Kuya para naman sa org eh. Payagan niyo na ko please." Pilit kong pagmamakaawa dito.

Halos lumuhod ako sa harapan ng busy kong Kuya para lang payagan niya ko sumama sa community service extension ng org namin sa Leyte. Si Kuya Kaden na lang kasi ang kasama ko sa bahay at nagpapa-aral sakin ever since Dad died.

Before kasama pa namin sa bahay ang Mom ni Kuya Kaden, si Mommy Nancy. Anak ako sa labas ni Daddy and ang sabi nila namatay daw ang mommy ko nung pinapanganak niya ko. Si Mommy Nancy na ang tumayo at kinilala kong nanay ever since.

Sobrang buti ng puso niya dahil trinato niya ko na walang pinagka-iba sa tunay nilang anak ni Daddy. Hindi niya ko minaltrato at hindi niya pinaramdam na bunga ako ng pagkakamali ng asawa niya.

Ako ang naging bunso nilang dalawa ni Dad. Pero nung nawala si Dad sobrang humirap ang buhay namin. College non si Kuya Kaden, ako naman ay high school. Lahat ng business namin went bankrupt and Mom just chose to try her luck sa ibang bansa. Fortunately, nakabawi kami, yun nga lang kinailangan namin ni Kuya mamuhay na dalawa lang kami.

"Kai papayag naman ako kung malapit lang eh. Pero sa Leyte?! Tapos 3 weeks?! Eh baka mapauwi pa si Mommy dahil lang nag-aalala sayo." Rason ni Kuya sakin.

"Kuya naman eh! Para naman kasing Russia yung pupuntahan ko kung makatutol kayo ni Mom. Saka 4th year college na ko, di na ko bata. Academic purpose naman." Pagpupumilit ko.

"Wag na makulit Kai. A no is a no." He stated.

Dahil bigo akong mapapayag ang Kuya umakyat na lang ako sa kwarto ko at nilapag ang hawak kong waiver sa bed side table ko.

"Nakakainis naman Wayne eh! Para akong 5 years old sa ginagawa nila sakin eh" reklamo ko sa aso ko na nananahimik sa kanyang dog bed.

"Intindihin mo na lang Kai. Inaalala lang din nila ang kaligtasan mo." Sagot nito sakin.

Ever since I was young I have this weird ability na maka-intindi ng mga hayop. Instead of hearing their natural sounds, words ang naririnig at naiintindihan ko. Hangang-hanga nga sakin ang pamilya ko dahil akala nila talent ko ang mapasunod ang mga pets namin sa mga command ko. Little did they know I can actually communicate properly with animals.

Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama dahil sa frustration. Ultimo aso ko kakampi nila sa pagiging over protective. Binuksan ko na lang ang phone ko at naood ng kung ano-ano online para malibang.

While I was super focused sa pinapanood ko, I received a text from Keith.

Keith:
Busy ka pre? Tara dito samin laro tayo NBA.

Nang mabasa ko ang yaya ni Keith medyo na-tempt ako kaso wala talaga ko sa mood.

Kai:
Next time na lang pre. May ginagawa pa kong paper work.

After kong masend ang reply ko kay Keith inopen ko ang GC ng org at sinabing di ako pinayagan. Madaming nanghinayang lalo't ako ang president, pero may iba din na naintindihan.

--

Kinabukasan halos wala akong ganang pumasok sa university. Masama pa din talaga ang loob ko na hindi ako pinayagan sa isang oppurtunity sana to help the needy. I had concrete plans pa naman kaso iba ang mag e-execute.

Bago pa man ako makarating sa lecture hall namin nag-chat si Keith na wala daw kaming prof. Inaya niya ko mag breakfast sa cafeteria kaya don na lang ako dumiretso.

The Fall of AtlasMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon