Chapter XVI | Out of the Blue

10 1 0
                                    

Rilee's POV

The annoying sound of my alarm clock woke me up. Kahit ayoko man ay tumayo na ako at nag simula na mag-ayos para pumasok sa Univ. After fixing myself lumabas ako sa balkonahe saglit to bloom the flowers planted there saka ako nag shower.

After showering I texted Klev kung saan niya ko susunduin dahil coding ako. Huminga ako ng malalim bago bumaba upang mag breakfast kasama si Papa. Nang makababa ako he's in his usual seat habang nagbabasa ng tabloid.

"Good morning Pa." I greeted him habang umuupo.

"Kumusta ang lahat?" Tanong nito sakin.

I let out a deep sigh habang sumasandok bago sagutin ang tanong niya.

"Okay naman pa. Finals week ngayon, tapos next week ilalabas na daw ang list of graduates and hopefully makasama sa list ng Latin Honors."

"Siguraduhin mo lang Rilee ah. Alam kong may misyon kayong mga demigod pero hindi mo dapat pabayaan ang pag-aaral mo. Walang Norton na bumabagsak. At sinasabi ko sayo habang nasa puder pa kita, hindi ka pwedeng mag boyfriend." Sermon ni Papa without looking at me.

Halos mawalan ako ng gana sa narinig ko. Klev and I had been dating for 6 years already and ever since sa family niya lang kami legal. Hindi ko siya mapakilala kay Papa dahil kilala ko si Papa, pag sinabi niya, sinabi niya. Wala akong ibang option kung hindi sumunod.

Kaso hindi ko napigilan ang sarili ko pag dating sa pag-ibig. Sobrang nagpapasalamat nga ako kay Klev dahil he never pressured me na ipakilala siya kay Papa. Sobrang grateful ako dahil naiintindihan niya ang situation ko.

Pero syempre ayoko din maging unfair kay Klev. I'm planning to introduce him kay Papa after graduation namin. Nakakatakot pero I think na oras na to conquer this. Klev deserves this. He's a good man.

I continued eating my breakfast silently kahit madami pang sermon si Papa. Hindi ko na lang inubos ang pagkain ko at nag paalam na para pumasok. Dinahilan ko na lang na baka malate ako dahil mag cocommute ako, but in reality gusto ko lang tumakas sa nakakasakal na usapan na yon.

I would rather fight Eris mag-isa kesa makipag one-on-one convo kay Papa na ganon katagal...

--

Jillian's POV

Isang malalim na hikab nanaman ang narinig ko kay Josh habang tinuturuan ko siya sa Constitution and Law para sa finals niya sa subject na yon. Mula nung nag-simula kami, wala na kong narinig kay Josh kung hindi hikab at reklamo.

"Ang dami naman kasi niyang mga batas batas na yan!" Reklamo ni Josh.

"Tignan mo to. Magpapaturo ka kay Jill tapos reklamo ka ng reklamo! Kutusan kaya kita?" Sagot ni Yvonne sa kanya.

"Wala kang pake. Saka bat ka ba nandito wala ka bang pasok sa kapihan? Dun ka na lang, pumapanget yung atmosphere pag nandito ka sa hq eh." Biro ni Josh kay Yvonne.

Nagpatuloy sa asaran ang dalawa at ako naman ay tumayo para mag CR. Actually wala naman talaga kong pasok today at bukas pa ang last exam ko, pumunta lang ako dito sa quarters naming demigods para sana mag review dahil tahimik. Sakto naman pag dating ko nandito si Jake, Yvonne, Aliyah, at Josh na sinukuan na ni Jake kaya sakin na nagpaturo.

Nung makabalik ako tuloy pa din sa asaran si Yvonne at Josh. Inayos ko na lang ang gamit ni Josh and nag lagay ng ilang notes sa libro niya para basahin niya then proceeded to review ng mga lectures ko.

"Sinukuan mo din no?" Natatawang biro ni Jake sakin.

"Kaya naman yan ni Josh. Kulang lang talaga siya sa tiwala sa sarili when it comes to academics." Komento ko.

The Fall of AtlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon