Chapter XIV | Evolved

10 1 0
                                    

Keith's POV

After seeing Gabbie breakdown like that when they saw me, I didn't know what to do. I wanted to comfort them pero alam kong mas maguguluhan lang siya lalo kung lalapit pa ko sa kanya.

I really care for Gabbie, and I love them, pero hindi sa paraan na gusto niya. Hindi ko intention at hindi ko gustong saktan ang best friend ko pero I'm straight. Hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko na maging romatically involved sa taong hindi ko naman talaga gusto.

Lahat ng paraan ginawa ko na para maka-move on siya sakin. Tried getting close again, I tried giving them space pero wala ako pa din talaga gusto niya. Gustong-gusto ko na siyang diretsuhin na tumigil na sa pagmamahal niya sakin dahil nasasaktan lang din ako pag nakikita ko siyang nasasaktan dahil sakin. Pero hindi ko din naman pwede bawiin yung natatanging kasayahan niya, ang mahalin ako kahit alam niyang wala siyang makukuhang kapalit.

As much as this shatters them, it also breaks me. Naiipit ako. Ayoko na saktan pa lalo ang best friend ko, kaya I'll just let them do whatever they want, for now. Pero pag nasa sukdulan na si Gabbie at wala na siyang itinira para sa sarili niya, I'll be the one to end this. Ayokong masira siya dahil sakin.

--

Nang makarating kami sa Maira-ira wala nang kumikibo na kahit sino. Unti-unti na namin naramdaman ang pagka-talo mula sa laban.

"I heard about what happened sa mission niyo. I'm sorry guys. Mag pahinga muna kayo, I've prepared rooms for you. Sorry you have to share muna ah fully booked kasi kami ngayon. Dumagsa yung tao kasi while you were travelling papunta sa Lawless land." Salubong samin ni Jesse nang makarating kami sa Lobby ng kanyang resort.

"Huy okay lang yon Jesse ano ka ba. Nakakahiya nga eh tutuloy pa kami dito imbes na bumalik na sa Manila." Aliyah replied.

"Don't worry naka time stop naman. You wouldn't be a bother samin. Besides we'll also take this time stop to prepare sa pag accommodate ng mga guests namin. Take all the time that you need para mag pahinga." Jesse replied.

"Salamat sobra." Kai said tapos ay dumiretso na sa elevator.

Iniwanan naman kami ni Jesse sa mga water nymphs na siyang nag hatid samin sa mga kwarto namin. I am sharing a room with Josh na kanina pa tahimik.

"Pre mag tatanggal ako ng damit ah. Ang lagkit ko na eh." Paalam niya sakin na tinanguan ko naman.

"Iniisip mo pa din yung nangyari kanina no?" Tanong ko sa kanya

"Oo pre eh. Nang hihinayang ako. Hawak na natin eh. Pero kasi sila Doc Gabbie, Aliyah, at yung anak ni Poseidon na ang pinag-uusapan natin eh." He replied while removing his underwear.

"Ang gulo no pre? Kahit ako eh. Nanghihinayang ako don sa pinag-hirapan natin pero pag naiisip ko na mawawala yung mga kaibigan ko, hindi ko kaya pre. Pero sa ngayon, wala talaga tayong magagawa kung di tanggapin na lang yung nangyari. Madami pa tayong laban na pwede nating ipanalo" I said to comfort him.

Huminga naman ng malalim si Josh sabay umupo sa kama niya.

"Pero maiba ako pre. Pwede ba ko mag tanong ng medyo personal?" Tanong ni Josh habang nakatitig sa balkonahe.

"Shoot."

"Sa ating lahat kasi ako lang yung parang hindi niyo talaga kakilala. Wala akong naging relasyon sa kahit sino sa inyo bago pa tayo napunta dito. Ayoko naman sana maging chismoso pero gusto ko sana itanong yung tungkol sa inyo ni Gabbie kung pwede? Parang ako lang din kasi yung hindi nakakagets sa kung ano ba talaga nangyayari sa inyo. Kahit nga yung anak ni Poseidon eh mukhang alam niya na kung ano yung iniiyak ni Gabbie pag gising." He opened.

The Fall of AtlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon