Chapter XIX | Demigod Detector

7 1 0
                                    

Jillian's POV

4 weeks passed ever since we fought against the Hydra. Since then, the rebellion had subtle attacks sa mga liblib na lugar dito sa Pinas which caused 0 to no damage at all dahil narerespondehan namin agad thanks to Alex's technical modifications sa hq.

The past month was very hard because of stress. In every fight, we needed to be really careful and mindful kasi we might expose our identities. Thankfully wala pang nakakahuli samin.

Aside from the small battles, majority of the team are also stressed because of the graduation. Sobrang stressful maghanap ng prof na nagtatago sa students during the clearance. 2 weeks na lang graduation na namin at kulang pa ko ng pirma ng tatlong prof.

"Shit naman oh. GIRL! Sabi ng isa kong blockmate nag-awol na daw si Mrs. Guimba. Shuta tatlo subject ko sa kanya!" Reklamo ni Rilee.

Nagpintig naman tenga ko sa narinig.

"What? Sereyoso ba sis? Isa siya sa tatlong kulang ang pirma sakin." Reklamo ko.

"What a life! Sana nga etong isang prof ko nag-awol na lang din eh. Kainis talaga teh, bwiset na Doc Pineda to, 2 weeks na lang grad na. 3 weeks na lang post grad internship na din namin. Siya na lang kulang ng buong block namin ayaw niya pirmahan clearance namin hangga't di pa daw nag ooral revalida yung isa naming classmate. Guess what? The bitch is in Istanbul, she'll come back 2 weeks from now sa araw mismo ng grad natin." Reklamo ni Gabbie.

"Hala pano internship niyo niyan?" Tanong ko.

"Thankfully di siya apektado ng clearance natin. Pero still hindi kami mapaprocess hangga't wala yung certificate of graduation namin." Problemadong sabi ni Gabbie.

"Tangina parang ayaw ko na pala gumraduate. Kahit yung pamangkin ng may-ari ng school hirap magpaclerance, pano pa kaya ako?" Komento ni Josh habang tutok na tutok sa Ps5.

"Tanginang pangarap yan 'tol." Natatawang saad ni Alex habang may dinudutdot sa phone niya.

"Hoy ikaw puro ka pambababae. Tapos mo na ba clearance mo?!" Sermon ni Rilee kay Alex.

Alex didn't answer. He instead lifted his clearance sheet up and nakita naming kumpleto na ang mga pirma nito. Pati ang dean namin ay nakapirma na at namarkahan na din as certfied true copy ang sheet niya.

Gulat na gulat kami ni Rilee dahil Alex is from the same department. He is my blockmate nga eh. Pano niya yan nakumpleto?

"Panong kumpleto mo na yan? Shuta teh si Aliyah don nasa building natin nagmamakaawa kay Sir Baldomaro tapos ikaw kumpleto ka na?!" Komento ni Rilee.

"Si Alex pa ba? Kita mong he just fucks around pero gulat ka DL pa din tapos ang taas pa ng ranking lagi sa college niyo." Gabbie said.

"Madali lang kasi yan girls lalo pag type ka ng program head." Nakangising sabi ni Alex.

Sabi na eh. Alex isn't Alex without any monkey business. Don't get me wrong ah. Alex is very smart. Hindi lang academically, he's also street smart. Kaya niyang padaliin buhay niya.

"Ena naman eh. Hay bahala na nga! Pag eto di pa nila pinirmahan bukas papalibutan ko talaga ng makakapal na vines yung building namin." Reklamo ni Rilee.

--

Habang problemado ang lahat dito sa Hq dumating si Keith na may bitbit na pizza at ang lawak ng ngiti.

"Hulaan ko. Kumpleto na clearance mo no?" Bungad na tanong ko dito

"Yes sirrr! Certified true copy!" He said while showing us his clearance sheet.

The Fall of AtlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon