Rilee's POV
Napa-aga kami ng dating ni Papa sa venue ng graduation namin. Sobrang excited kasi niya, ayan tuloy apat pa lang kaming students dito sa assembly area habang si Papa ay nandon na sa audience area, naka-upo sa pinaka harap.
Si Klev naman ay naipit daw sa traffic kasama ang mommy at daddy niya. Actually, ang saya ko nga kasi kahapon lang ay pinakilala ko na siya kay Papa. He was slightly disappointed daw kasi nga di ko sinunod ang gusto niya pero wala naman na daw siya magagawa.
I think malaking parte din na bago ko kausapin si Papa ay kinausap ko muna si Mama sa Olympus. She promised to convince Papa na payagan na ang relasyon namin ni Klev. To my surprise, Papa accepted us. Kaya nag alay ako ng mga seeds kagabi sa temple ni Mama sa Olympus. Thanks to Alex's new invension, we can go back and forth sa Olympus just like how Gabbie can go back and forth sa underworld.
While I was fixing my shoes, dalawang pares ng paa ang tumigil sa harap ko. Tinignan ko kung sino ang mga ito and saw Toni and Josh na may bitbit na madaming bulaklak at mga paper bags.
"Congrats Rilee!" Masayang bati nung dalawa sabay inabutan ako ng isang rose at isang paper bag.
"Nag-abala pa kayo. Salamat!" I said.
"Di yan abala, saka sa graduation namin nag eexpect kami ng kapalit." Biro ni Josh.
"Sira. Bat pala ang aga niyo? Graduation niyo?" Biro ko sa kanila.
"Actually ikaw ang maaga. Our plan was to wait for you guys here. Di naman namin akalain na mas mauuna ka pa samin." Sagot ni Toni
"Panira ka talaga ng plano gar." Biro sakin ni Josh. Inirapan ko na lang siya then proceeded to take pictures with them.
While Toni was taking pictures of me, sabay-sabay na dumating si Aliyah, Gabbie, at Alex.
"Wow may pa flowers at gifts. Wala bang alak diyan?" Reaction ni Aliyah.
"Puro ka inom." Sagot ni Josh kay Aliyah na babatukan niya sana pero pinigilan siya nito.
"Hephep. Babae ako ngayon. Maganda, balingkinitan, inosente, di mo ko pwedeng batuk-batukan." Aliyah said while flaunting the lavender dress under her toga.
"Oh tara picture na ulit!" Yaya ni Alex habang nilalabas ang camera niya.
Si Gabbie naman bilang mababa ang luha ay umiiyak sa gilid dahil sa regalo ni Josh at Toni. Lalapitan ko na sana siya kaso biglang sabay na dumating si Drew at Keith na parehas na may dalang boquet ng blue hydrangea. Nilapitan ni Drew si Gabbie at inabot ang dala niyang boquet kay Gabbie kasama ng isang black box. Kaya naman si Gabbie ay lalong umiyak, habang si Keith ay nakatingin sa kanila.
"You're so cute. Wag ka na umiyak baka mabura pa make-up mo." Drew said habang pinupunasan ang luha ni Gabbie.
"Keith oh, regalo namin ni Josh sa inyo." Saad ni Toni habang inaabot kay Keith ang paper bag. Si Josh naman ay inabot kay Keith ang rose at tinapik ito sa likod.
"Thanks." Keith said pero naka tingin pa din kay Gabbie at Drew.
"Teh malayo pa lang ako rinig ko na yung hagulgol mo. Napakamain character mo ate, papansin yan? Pano ko pa ibibigay tong regalo ko sa inyo kung lahat yan iiyakan mo?" Malditang entrada ni Yvonne kay Gabbie. Kaya naman si Gabbie ay tumahan at tumawa.
"Teh wag ka masyadong tumawa, baka isipin ng ibang graduates baliw ka." Pigil ni Yvonne kay Gabbie.
Yvonne hugged everyone and gave us small boxes. Kahit si Drew ay meron. Dalawang box din ang inabot niya sakin dahil kay Klev daw yung isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/238868183-288-k802084.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fall of Atlas
FantasyAfter igniting the Trojan War, Eris, the Goddess of discord and strife was imprisoned by Zeus in the depths of Tartarus. For many years the Goddess made use of her time to plan her escape and start a revenge on the Olympians for imprisoning her. She...