Rilee's POV
"Pakawalan niyo kami!" Sigaw ni Elise
Tinitigan lang namin sila habang pinipilit nilang kumalas sa lubid na gawa ni Hephaestus. The rope was made para sumikip kapag gumagalaw ang naka-tali dito. So kapag pinilit pa gumalaw ni Elise, malamang yung lubid na ang pumtay sa kanya.
Si Cooper naman ay nanatiling tahimik at nakatitig kay Keith. Sayang nga dahil parang kalahati ng laban ay wala akong malay. Bwiset na cyclops yan!
"Aray! Dahan-dahan lang sis!" Reklamo ko nang madiinan ni Gabbie ang sugat ko habang nililinis niya ito.
Humingi naman ng paumanhin si Gabbie at pag tapos ay binalutan na ng benda ang sugat ko.
"I'm done reading their minds. They are the first line of defense na ipinadala ng rebellion to slow us down. As of the moment, Eris is still recovering. Hindi nila kayang unahan tayo sa Lawless Land dahil mahina pa ang leader nila. They'll be doomed if ever maabutan natin sila don. Merong pitong units ang rebellion para pabagalin tayo. Nakuha ko na lahat ng location nila." Report ni Aliyah matapos basahin ang utak ng dalawang rebels na hindi nila alam. Nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig.
"You've underestimated us, rebels. Josh pre pakilagay na sila sa cube." Utos ni Jake.
"Pasensya na mga tol ah, napag-utusan lang." Turan ni Josh.
Kinuha ni Jake ang Cube na gawa ni Hephaestus at Athena saka ito itinapat sa dalawa. Umilaw ang cube and in a flash nasa loob na ng cube ang dalawa.
--
After ensuring na nag-laho na ang mga bakas ng nangyaring gulo, agad na umalis ang aming grupo at binalik ang pag daloy ng oras.
"So what's the plan?" tanong ni Kai
"We'll continue with this route, wala tayong ibang choice." Saad ni Jake
"We could use my ability to teleport us sa Maira-ira." Gabbie suggested.
"Hindi pwede Gabbie. Your ability is very limited sa peripheral vision mo, alam mo yan. Hindi ko iririsk na gamitin ang ability mo to go somewhere na hindi mo pa nakikita. Maiipit lang tayo sa vortex if susubukan natin yan." Jake replied.
"Pero everyone's exhausted. We can't continue to fight several armies at this state." Gabbie reacted.
"We don't need to fight kung wala naman tayong kalaban." Saad bigla ni Aliyah.
"Ha? Ano ibig mong sabihin sis?" Tanong ko
"While I was reading their minds, I found out na their minds are all linked to one core. A mind of another demigod. The son of Coeus, his ability is mind linking and siya ang naging communication system ng rebellion. We had a one shot, all kill situation here. Dahil sa pagbasa ko sa isip nung dalawa, I was directly linked to their core without it knowing na I'm there." Aliyah explained.
"Pero pano non maeexplain ang sinabi mong wala na tayong kalaban?" Tanong ni Josh habang nag fofocus sa pag drive.
"Mind control and illusions. I used the core's mind and made all the rebellion retreat dahil pinalabas ko na natapos tayo ng first line. Pero sooner or later they'll find out na we just tricked them kasi first time ko magawa yon gamit ang ability ko at malamang ay may lapses pa ito." Aliyah answered.
"Great job Aliyah. Pero next time sabihin mo samin kung may gagawin ka. Mahirap na you're doing things alone." Puna ni Jake.
Tumango naman si Aliyah at nag patuloy ang byahe namin.
BINABASA MO ANG
The Fall of Atlas
FantasíaAfter igniting the Trojan War, Eris, the Goddess of discord and strife was imprisoned by Zeus in the depths of Tartarus. For many years the Goddess made use of her time to plan her escape and start a revenge on the Olympians for imprisoning her. She...