Dani's POV
"Dani bilisan mo jan! Tulungan mo ko mag ayos dito sa baba. Kailangan na natin lumikas!" Sigaw ng mama ko mula sa baba.
Dahil sa matinding takot na nararamdaman ko, di ko namalayan na natapos ko na pala ilagay lahat ng teddy bear ko sa maleta ko. Medyo nag-alala ako nang hindi ko tuluyang masara ang maleta dahil sa kapal ng mga stuffed toys sa loob.
"Dani ano ba yan? Lilikas tayo, hindi maglalaro. Bat puro teddy bear ang nasa maleta mo?" Puna ni Mama na bigla-biglang pumasok sa kwarto.
"Mama naman eh! Kumatok ka muna bago pumasok. Naiiyak na nga ako kasi di ko pa naeempake mga clip ko." Sagot ko.
"Ay bahala ka! Nasa sasakyan lang ako. Bilisan mo na jan baka isarado na lahat ng daan. Iiwanan talaga kita!" Sabi ni mama saka umalis sa kwarto.
Hinayaan ko na lang siya at bumalik na sa pag sarado ng maleta ko. Nasara ko naman ito kahit super kapal ng laman. Mabilisan naman akong bumaba at nilagay ang maleta ko sa trunk ng sasakyan namin at sumakay na.
Pag sakay ko ay inistart na ni Mama ang sasakyan at nagdrive na palayo sa bahay namin. Sobrang takot ang naramdaman ko nang makitang ang mga bahay ng mga kapit bahay namin ay nasusunog na. Kaya naman binuksan ko ang radyo para malaman kung ano ang updates sa nangyayaring monster attack sa katipunan.
"Magandang gabi, bayan. Patuloy ang pananalasa ng isang dambuhalang halimaw sa Katipunan, ngunit ang pinsalang dulot nito ay ramdam na sa buong Pilipinas. Ang halimaw ay may 100 ulo na naglalabas ng apoy at usok, katawan na napapalibutan ng mga ahas, at pakpak na nagdudulot ng lindol sa bawat pagaspas, na siyang sumisira sa paligid.
Nagpadala na ng mga sundalo ang gobyerno upang labanan ang halimaw, ngunit sa kasamaang-palad, karamihan sa kanila ay nasawi. Samantala, may ilang hindi pa nakikilalang indibidwal na may kakaibang kapangyarihan ang kasalukuyang nakikipaglaban upang pigilan ang halimaw at protektahan ang mga mamamayan.
Bilang tugon, nagtatag ang gobyerno ng mga evacuation areas sa iba’t ibang rehiyon para masigurong ligtas ang lahat. Inaabisuhan ang mga residente na lumikas sa mga itinakdang lugar at iwasan ang apektadong lugar ng Katipunan. Patuloy na mag-ingat at sumubaybay sa mga opisyal na abiso para sa inyong kaligtasan." Saad ng balita mula sa radyo.
Narinig ko naman si Mama huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko ang takot na nararamdaman ni Mama.
Habang binabaybay ang kahabaan ng cubao, nagulat ako nang lumiko si Mama papunta sa Aurora boulevard. Nagtaka ako dahil sarado ang daan na ito at papunta ito sa kung nasaan ang monster.
"Mama! Hindi pwede dumaan dito. Mamamatay tayo." Pigil ko kay Mama.
"Anak, kailangan ka nila. Oras na para malaman mo lahat. Ako na ang magdadala sayo sa kanila." Saad ni Mama na hindi ko maintindihan.
"Mama naman eh! Hindi tayo joke time dito ah. Sige na susunugin ko na sila bubbles kung yun yung gusto mo! Tatapon ko na din lahat ng clips ko! Basta bumalik na tayo sa tamang daanan mama!" Pilit ko dito.
Lalo akong kinabahan nang makitang hinahabol na kami ng mga pulis.
"Mama hinahabol na tayo ng Pulis!" Saad ko kay Mama na mas binilisan pa ang pagdrive niya.
"Mahigpit pong ipinagbabawal ang pag daan sa Aurora Boulevard! Nakikiusap ho kami na itigil niyo ang sasakyan at bumalik sa tamang daan!" Saad ng pulis mula sa kanilang megaphone pero parang walang narinig si Mama at lalong binilisan ang pag drive.
Nako po! Ano kayang nakain ng nanay ko at gusto na kami ialay don sa monster! Oh God tulungan mo po kami.
--
BINABASA MO ANG
The Fall of Atlas
FantasyAfter igniting the Trojan War, Eris, the Goddess of discord and strife was imprisoned by Zeus in the depths of Tartarus. For many years the Goddess made use of her time to plan her escape and start a revenge on the Olympians for imprisoning her. She...