Some people describe me as someone who doesn't know anything. Someone who don't appreciate things she had. Someone who doesn't show emotions.I sighed and tried to brush my hair using my fingers. When I got satisfied with my hair, sinubukan kong hawakan ang door knob at pihitin ito papasok sa hospital room ni Mommy.
I smiled while looking at her, peacefully sleeping. Na para bang wala siyang problema, I miss that feeling. Simula kasi ng mamatay si daddy, parang wala akong ginawa kung hindi patunayan ang sarili ko.
"Hey, Mom! How are you?" Marahan kong inayos ang buhok niya, ang ilang hibla nito ay nakaharang sa maganda niyang mukha.
"You're sleeping again," I smiled bitterly. "Siguro naman maaalala muna ako kapag nagising ka." Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
She's still young. Nasa 59 palang siya pero dahil sa sobrang pagmamahal kay daddy, siguro ang laki ng naging epekto nito sa kaniya.
She's showing some dementia symptoms. It's a general term for loss of memory, language, problem-solving and other thinking abilities that are severe enough to interfere with daily life. Alzheimer's is the most common cause of dementia.
Dementia is caused by a variety of diseases that cause damage to brain cells. This damage interferes with the ability of brain cells to communicate with each other. When brain cells cannot communicate normally, thinking, behavior and feelings can be affected.
"Ceska, is that you anak?" Nanghihina niyang tanong. Marahan akong tumango habang nakahawak pa rin sa pisngi niya.
"Y-yeah...how are you?" Hindi ko kayang maglabas ng emosyon, ayaw kong maging mahina sa harapan niya at lalo na sa ibang tao. Ayaw kong gamitin nila ang kahinaan ko para kontrolin ako o gawin ang mga bagay na puweding makasakit sa akin.
"Bakit ngayon kalang dumalaw?" Malungkot niyang tanong. Bumuntong-hininga muna ako, galing ako rito kahapon, kaso nga ay nagwala lang siya dahil hindi niya ako makilala.
"I'm busy. Alam niyo naman po na madaming gawain sa opisina." Dahilan ko. Nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko.
"Nasaan ang asawa mo? Hindi ka niya ba tinutulungan?" Kinagat ko muna ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Madami rin siyang trabaho. Just like you and dad... we're helping each other." Matamis siyang ngumiti sa akin.
"But, try to rest too, Ceska. Halatang pagod ka." Umiling ako. Hindi ako pagod sa trabaho. Pagod ako maglakad dahil iniwan ako ng lalaking iyon!
"I'm not, mom. Nagkataon lang na madaming ginagawa sa opisina ngayon." Humigpit ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko.
"Mana ka talaga sa akin. Kaya nga mahal na mahal ako ng daddy mo, e. Naaalala ko lang iyong kabataan ko. Kailan ba dadalaw ang asawa mo? Lagi nalang siyang abala sa trabaho." May bahid na pagtatampo sa boses niya.
"After his business trip, I guess?" I lied. Wala naman kasi akong asawa. Ito ng dahilan kung bakit pinipilit ko si Rafael, araw-araw akong tinatanong ni mommy kung nasaan ang asawa ko.
Bakit si Rafael?
Dahil may pagkatulad sila ni Daddy, dahil sa karamdaman ni mommy, madalas niyang maalala ang mga bagay-bagay pero, sa ibang tao niya hinahanap ang ilan sa ala-ala niya no'n. It's not that easy for me, minsan ay madami ng nurse ang umiiyak, madalas kasi manakit si mommy kapag naalala niya iyong tungkol sa kanila ni Daddy.
"Dadalaw siya next week?" Tanong ni Mommy. Tumango ako rito at inayos ang kumot niya. Mukhang inaantok na naman siya.
"Dadalaw kami rito, hmm? That's my promise." Ngumiti ako at humalik sa noo niya. Nang masigurong tulog na siya ay saka palang ako lumabas ng kuwarto
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...