Halos tatlong oras din akong nag-impake ng mga dadalhin namin ni Rafael sa Batangas. Akala ko nga ay magagalit iyon pero hinayaan niya akong mag-ayos at gawin ang gusto ko. Sa sobrang tagal naming magkasama, never pa naman siya nagalit o nainip kakahintay sa akin.Pabiro ko siyang inirapan dahil kanina ko pa talaga siya sinasaway. Kasalukuyan kaming nasa opisina dahil kilangan daw namin mag-usap ng mga pinsan ko bago umalis.
"Kanina ka pa." Natatawa kong sabi nang muli niyang halikan ang likod ng palad ko. Kanina ko pa napapansin ang pasimpleng pag-irap sa akin ni Veronica at ang inis na pagtitig ni Caleb sa amin.
Si Kuya Ali naman ay parang walang pakialam sa amin ni Rafael. Si Kuya Oliver naman at Lance ay parehong abala sa pag-asikaso mga gagawin namin sa hiking.
"Can we start now? I don't want to be here!" Maarteng saad ni Veronica. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil alam kong kanina pa siya naiinis sa akin. Well, sure naman ako na may gusto siya kay Rafael. Sino ba naman ang hindi? Si Rafael na parang may lahing amerikano. Matangkad, may pagka-light tan ang skin, may dark brown eyes, ang ganda rin talaga ng mata niya. In short, parang model talaga ang dating niya.
"You can leave if you want too, Ricka." Tamad na sabi ni Caleb. Akala ko ay magtatalo na naman sila pero, himala at nanahimik nalang si Veronica.
"Are you sure about this, Mrs. Valeria? We still have time to change the location." Umupo ako ng maayos at tumingin kay Caleb. Himala at hindi na 'to masyadong nang-iinis sa akin.
"I'm fine." Sinulyapan ko si Rafael nang mahina niyang pisilin ang kamay kom siguro ay nagtataka siya kung bakit natanong iyon ni Caleb. May balak naman akong sabihin sa kaniya ang lahat pero, huwag muna ngayon.
Maybe I'm selfish.
Ayaw kong tuluyan siyang mawala sa akin. Ayaw kong iwanan niya ako pag sinabi ko sa kaniya ang lahat.
"Hindi natin kailngan mag-adjust sa kaniya. My God! Ang dami niyong drama." Inis na sabi ni Veronica bago tuluyang lumabas.
Medyo hindi ako natutuwa sa magiging byahe namin. Akala ko ay maso-solo namin ni Rafael ang isa't isa pero, sa iisamg van pala kami, habang ang ilang empleyado naman ay sa mismong bus ng kumpanya.
"Get it," Malambing na sabi ni Rafael. Nauna akong sumakay dahil gusto kong sa likod kaming dalawa. Sa gitna naman si Kuya Oliver at Lance, sa unahan nila si Caleb. Si Kuya Ali ang magmamaneho habang sa tabi naman niya si Veronica.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Rafael. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Lagi naman akong pumupunta sa lugar na iyon. Pero iba pa rin pala kapag nag-iwan iyon ng trauma sa 'yo.
Na kahit alam mong okay kana, bigla nalang bumabalik iyong sakit.
"I'm fine. Ilang oras ang magiging byahe natin." Mahina kong sabi.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at humalik sa ibabaw nito, "it's okay. You can sleep." Gabi naman kaya okay lang din makatulog.
Umiling ako, "Hindi naman ako inaantok." Sagot ko habang nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. "Naranasan mo na ba mag-laro sa magugubat na lugar?" Bigla kong tanong sa kaniya. Ramdam ko ang pagtango niya.
"Why?" Tanong niya nang hindi ako nagsalita.
"Wala lang. Ang daya lang kasi ang dami mong alam sa akin pero, wala man lang ako alam sa mga paborito mo. Your likes and dislike. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magpapasaya." Mahaba kong sabi. Rinig ko ang magina niyang pagtawa.
"It's not funny, Mr. Valeria." Seryoso kong sabi. Hindi naman kasi talaga iyon ang sasabihin ko. Sinadya ko lang ibahin iyon.
"I know. What do you want to know? Let's start with my favorite things to do." Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...