Chapter 15

1.3K 12 0
                                    

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Caleb ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Kuya Ali. Mukhang nagulat din siya nang makita ako. Hindi na kasi ako pumupunta rito. Veronica's still mad at me. Hindi naman kami magkasundo, simula pa nung mga bata kami ay lagi na talaga kaming nag-aaway.

Kinausap ako ni Kuya Ali, sinabi ko s kaniya ang naging pakay ko kay Caleb and what he said make me think and consider a lot of things. He's right.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate namin. Maaga pa naman kaya nang pumasok ay agad kong hinanap si Rafael. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Real.

"Wala pa ang kuya niyo?" Alam ko ay umuuwe iyon after lunch. Nagkatinginan ang dalawa bago umiling sa akin.

Pinaningkitan ko sila ng mata, "Real, hindi pa dumating ang kuya mo?" Mahinang tumawa ang bunso nila kaya agad kong sinundan ang tinitingnan niya. Napanganga ako nang makita si Rafael.

Galing siya sa kuwarto namin habang may dala-dalang bulaklak. Tumayo ako at nakangiting lumapit sa kaniya.

"May okasyon ba?" Tanong ko. Mahina akong natawa nang sulyapan ni Rafael ang dalawa niyang kapatid. Agad naman silang pumasok sa kuwarto nila. Halatang sinabihan niya sila nung hindi pa ako nakakauwe.

"I remembered you when I saw this tulips. Your favorite, right?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko maalalang sinabi ko iyon sa kaniya.

"Kailan ko nasabi? Or sinabi ba ni Annaliese sa 'yo?" Tanong ko. Kinuha ko iyon sa kamay niya at nakangiting pinagmasdan.

Madalas kong maalala si Daddy sa tuwing nakakakita ako ng tulip. Iyon kasi ang madalas niyang ibigay sa akin. Sabi niya ay paborito rin iyon ni mama kaya naging paborito ko na rin.

Kuya Ali's right.

Kung mahal ko talaga si Rafael, huwag ko na dapat balikan ang nakaraan. Dapat kong ibaon muna iyon sa limot. He's right. Habang madami akong nalalaman, mas mahihirapan akong magdesisyon para sa aming dalawa.

I don't know if I'm doing the right thing. But, I want to enjoy this moment. Halos kalahating taon palang kaming magkasama, madami pa akong oras para makasama siya. May mahigit dalawang taon pa, hindi ko dapat sayangin ang oras ko.

Kung anuman ang nakatadhanang mangyari sa amin, siguro ay kailangan ko nalang din tanggapin.

"Paano mo nga nalaman?" Tanong ko kay Rafael after making out. We never make love. Siguro ay pareho kaming nasanay na magpigil o hindi lang talaga siya masyadong attracted sa akin. Siya kasi iyong madalas tumigil.

Ang kanan niyang braso ay ginawa kong unan. Habang ang kaliwa niyang braso ay nakayakap sa bewang ko. Inangat ko ang ulo ko at mas lalong sumiksik sa dibdib niya.

"Madami kang manliligaw sa school before. Madalas ay tulips ang request. You're always that spoiled. Napaka-demanding." Reklamo niya. Natawa ako at marahan na hinawakan ang tattoo sa dibdib niya.

"W-wait... Bago lang ba 'tong letter sa loob ng infinite sign?" Mas lalo akong lumapit dito. Sigurado akong kabisado ko na lahat ng nunal o kahit ano sa bandang dibdib niya.

Ramdam ko ang ang pangingilid ng luha ko. Parang may kung anong tumama sa puso ko dahil nahihirapan akong huminga. Nagkahiwalay ang letra dahil sa infinite sign pero aigurado akong 'A' ang sa unang bilog tapos ay 'R' naman ang sa pangalawa.

Tumikhim ako at palihim na yumuko. Siguro ay si Avianna iyon. May karapatan naman akong magselos pero, "It's Amari and Rafael." Kumunot ang noo ko nang narinig ang sinabi niya. Hindi ko agad nakuha iyon.

"Ha?" Lumayo ako ng kaunti para makita ang mukha niya. Inalis niya ang pagkakayakap sa bewang ko para ayusin ang buhok ko. Nakangiti niyang nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko. "The letter in that infinite tattoo is the initial of your second name, Francesca Amari." Pinaningkitan ko siya.

Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon