Chapter 18

1.2K 12 2
                                    


Naging abala kami nang mga sumunod na araw. Sa susunod na linggo ang anniversary ng kumpanya. Gustuhin ko man magpahinga at makasama si Rafael, hindi talaga kaya ng oras ko.

Medyo bumabalik na ang sales ng hotel, sa maikling panahon ay mabilis rin naman kaming nakabawi dahil nagtulungan talaga si Veronica at Rafael. Maybe, she's nice too him. Simula kasi ng mag-usap kami ni Rafael ay hindi na ako muling bumalik pa roon.

Marahan kong sinandal ang ulo ko sa likod ng swivel chair na gamit ko. Halos wala akong maayos na tulog nitong nakaraang araw pero, alam kong malalampasan ko rin naman 'to. Ngayon ako kailangan ng kumpanya at hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.

I hope my dad's still proud of me. Wala siyang ginawa kung hindi ibigay ang lahat ng gusto ko. I always miss him, how he always motivate me. Hindi ako matalino sa klase pero, kahit kailan ay hindi siya nagreklamo. Hinahayaan niya akong matuto at maging matatag.

"You're doing great, anak."

"It's okay. May susunod pa naman."

"At least you tried. Hindi masamang magkamali minsan, ang mahalaga ay may natutuhan ka."

"What's my Princess Francesca want this time?"

"I love you always, anak. I know you can. Hindi ka man manguna sa lahat, ikaw pa rin ang nangunguna kay daddy, okay?"

"God, i really miss my dad." Bulong ko nang maalala siya. Maaaring nagkamali si daddy pero, hindi siya nagkulang bilang isang ama at asawa kay mommy.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako nag-abalang idilat ang mata ko. Alam kong si Caleb iyon dahil sa Imperial Majesty na gamit niya. Naging familiar na nga ako sa amoy niya, e. Lagi ba naman niyang gamit iyon simula nung nasa college kami.

Palibhasa ay anak mayaman. Kahit naman spoiled brat ako ay hindi ko kayang bumili ng gano'ng kamahal na perfume.

"Are you tired? Hindi ka ba pinapatulog ng asawa mo?" Dinilat ako ang mata at tama nga ako, sobrang lapit na naman niya sa akin.

"Hindi ka ba talaga marunong kumatok?" Inis kong tanong sa kaniya. Ngumisi lang siya at muling tumayo ng maayos.

"I'm not here to ruin your mood. Do you have any suggestions with the company's anniversary?" Hindi ko agad nasagot ang tanong niya. Siya pala ang mag-aayos ng lahat. Sa place at mga taong sasama. May iba naman na ayaw talagang sumama dahil may mga pamilya na. Hindi naman puweding ipilit.

"How about Batangas?" I asked. Three days lang naman kami do'n. I guess, I can handle my anxiety.

"Are you sure about it?" Tumango. Ilang taon na rin naman ang nakalipas. Alam kong makakaya ko iyon. "O-okay. Just inform me if you want to change something." Tahimik lang ako tumango rito. I don't know what's wrong with him. Pinagmasdan muna niya ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas.

Maybe, he still care. Kahit papaano ay nakikita kong nag-aalala siya sa akin. Muli kong sinandal ang ulo ko sa likod swivel chair. Simula ng magka-problema sa kumpanya ay lagi nalang akong pagod. Minsan ay nakakatulog nalang ako at hindi naabutan si Rafael. I miss him.

Iyong sabay kaming aalis, magkukulita at magkukuwentuhan muna bago matulog. I miss our bonding together. Maaga rin siyang umaalis dahil nga tumutulong siya kay Veronica.

"Come in." Saad ko nang makarinig ng pagkatok sa pintuan. Umayos ako ng pagkakaupo dahil siguradong hindi si Caleb iyon. "Raf?" Gulat kong sabi nang bumukas ang pinto. "Rafael!" Mabilis akong tumayo at patakbong yumakap sa kaniya.

"I'm so sad that I couldn't think properly." Parang bata kong sabi sa kaniya. Mas lalo kong siniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Ang isa niyang braso ay nakayakap sa akin, habang ang isa ay ginamit niya para muling isarado ang pinto.

"What are you doing here?" Tanong ko nang makabawi. Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya.

His finger was lifted up and was now caressing my cheek. The tip of his finger dragging down my soft cheeks to the corner of my lips. "Just want to see you." Mahina akong tumawa sa sinabi niya.

"Magkikita naman tayo mamaya." Nakangisi kong sabi kahit ang totoo ay gusto ko rin talaga siyang makita.

"Do you want me to leave?" Mahina kong hinampas ang dibdib niya at hinawakan ang kamay niya at sabay nagtungo sa sofa.

"Galing nga pala dito si Caleb." Panimula ko. Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Sa susunod na linggo na kasi iyong Anniversary. Wala pang masyadong preparation pero, si Caleb na ang bahala do'n. Hindi mo ba narinig kung sasama si Veronica?" Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Ang ilang hibla nito ay nilagay sa likod ng tainga ko.

"She's coming." Tipid niyang sagot. Tumango ako.

"How about you? Are you okay with that? Mamaya ay takot ka pala sa magubat na lugar." Mahina siyang tumawa. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya. "I miss you." Emosyonal kong sabi. Pinikit ko ang mata ko nang maramdaman ang paghamplos niya sa likod ko.

He didn't say a words. Hindi rin naman ako nag expect dahil gusto ko lang maging vocal sa nararamdaman ko.

"Paano si Real and Reina?" Tanong ko sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya lagi ang bantay sa dalawang iyon.

"Siguro iiwan ko nalang muna sila kay Avianna." Umayos ako ng pagkakaupo bago tumingin sa kaniya.

"Si Avi? Close pala talaga kayo?" Pinisil niya ang pisngi ko.

"We're friend. Why?" Umiling ako.

"Gaano ka close?" Muli kong tanong.

"Don't tell me you're jealous?" Pinagmasdan niya ako, hindi naman ako selosa pero, bakit lahat nalang ata pinagseselosan ko ngayon?-0

"No. I mean, mas maganda kung kay Avi mo sila iiwan." Sagot ko. Mas magiging kampante siya kung do'n maiiwan ang mga kapatid niya. Hindi rin naman puwede sa mansyon kasi baka mahirapan lang sila.

It's not that I don't trust yaya Cynthia. Minsan kasi ay takot iyon kay Veronica. I can't blame her, may pagka-bitch naman kasi ang isang iyon.

Her family tolerate her that's why she's doing a lot of sh*t. Kaya siguro umalis na rin si Kuya Ali sa pamilya nila. Simula ng mamatay si William, parang hindi na nag-uusap si Kuya Ali at Veronica. Iyon din ang pinagtataka ko, paano natakasan ni Veronica ang bagay na iyon? Iba talaga ang nagagawa ng pera. Na kahit sobrang laki ng kasalanan mo. Madali mo itong matatakasan.

Kaya hindi ako naniniwalang pantay lang ang batas natin, na walang pinipili ang sinumang nakagawa ng kasalanan. Minsan ay puwede mo itong isisi sa iba, lalo na kung malaki ang puweding maging kapalit nito.

I've learned a lot simula nang manirahan ako sa bahay ni Rafael. Nakita ko kung paano mamuhay ng walang masyadong pera. Advantage na rin siguro na may trabaho kami, pero paano nalang iyong mga wala pa? It's not that easy to find a job. Kung wala kang kapit ay hindi mo agad makukuha ang gusto mo.

That's why our company look for someone whose deserving and responsible. Naalala ko pa no'n nang nag-uumpisa kaming anim. Lahat kami ay nasa pinaka-mababang position. Kaya kung saan man ako ngayon, masasabi kong pinaghirapan ko iyon. Wala na si Daddy nung nag-uumpisa palang ako. I work hard for this position. Hindi ko iyon nakuha ng gano'n kabilis.

"How about sa labas nalang tayo kumain?" Tanong ni Rafael habang nag-aabang kami ng jeep. Mukhang pagod siya kaya tumango nalang ako. Ang hirap naman din kung magluluto pa siya sa bahay.

Naghanap kami ng makakainan. Gusto nga ni Rafael na sa mamahaling restaurant kami pero, mas gusto ko talaga iyong gulay at seafood. Napangiti ako nang makita ang malapit na kainan sa building namin. Puro seafood at gulay lang ang luto nila do'n. Walang halong meat.

"Hipon nalang sa akin." Nakangiti kong sabi kay Rafael. Siya mismo ang pumila at kumuha ng pagkain namin.

Alam kong nakakasawa ng sabihin pero, mas gusto ko ang buhay na meron ako kasama si Rafael. Iyong kuntento at masaya sa bagay na kaya niyang ibigay sa akin.

To be continued...

Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon