I swallowed hard before I take a deep breath and sighed it harshly. Tumayo ako ng maayos at nilagay ang parehong kamay sa bewang. Next week pa naman ang lipat namin sa bahay pero, dahil may trabaho kami bukas, ngayon namin naisipan na magligpit muna ng ilang gamit. Para sa next weekends, maliit nalang ang aayusin namin."Pahinga ka muna," Marahang pinunasan ni Rafael ang pawis sa noo ko. Ngumiti ako at umiling rito.
"Ayos lang ako. Ilang taon na pala kayong nakatira dito?" Sumilay ang lungkot sa mata niya pero, agad rin namang ngumiti sa akin.
"5 years? Maliit pa si Real." Tumango ako habang nakatitig sa mata niya.
"4th year na tayo nun, right?" Marahan siyang tumango at lumayo ng kaunti sa akin.
"Yes. Binenta namin ang bahay para pangunang bayad sa hospital. Kaso ay tatlong taon lang ang kaya." Kuwento niya at muling kinuha ang kahon. "Kailangan kong magtrabaho at mag-ipon kasi walang kasiguraduhan kung ilang taon mananatili si mama sa hospital." Dagdag niya pa.
"Kaya ba hindi mo natapos ang college?" Nakangiti siyang sumulyap sa akin.
"Yes. May balak naman akong tapusin iyon. Siguro kapag tapos na 'to....mag-aaral ako abroad." Ngumiti ako sa kaniya. That's good for him. Iyong hindi man siya nakasabay sa amin, at least hindi siya sumuko sa pangarap niya.
"Saan sa abroad?" Tanong ko at bumalik rin sa pagliligpit.
"London?" Ngumiti ako nang sabihin niya iyon. Balak ko rin naman kasi mag-masteral do'n. Maybe, after our contract or kapag hindi na ako masyadong kailangan sa company.
"Anong plano after this?" Tukoy ko sa kasal namin. Natigilan siya saglit, halatang hindi alam ang isasagot.
"Mag-aaral,"
"Do'n kana ba magta-trabaho?" Ngumisi siya at muling lumapit sa akin.
"Seems like you already miss me, huh?" Maloko niyang sabi, mahina akong natawa at umiling rito.
Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Masaya ako para sa kaniya, pero nalulungkot ako dahil after pur contract....mukhang malabo na kaming magkita pa. Iyon naman ang pinag-usapan namin. Ako lang itong masyadong hulog sa mga ginagawa niya.
"Asa ka naman! Nagtatanong lang ako," Natigilan ako nang hawakawan niya ang magkabila kong pisngi. Pinagmasdan niya muna ako at muling tumingin sa mata ko.
"I L--" Malalim siyang bumuntong-hininga, hindi matuloy ang sasabihin niya. "Time to sleep, Wife." Kumunot ang noo ko nang mabilis siyang tumalikod at nagtungo sa kuwarto niya.
"Maligo kana, sunod ako." Sumimangot ako at palihim na umirap sa kaniya. Ano na naman ba problema niya. Sinulyapan ko ang orasan at 9:30 pm na nga. Grabe! Buong araw kaming nagligpit.
Kaya pala nakaramdam ako ng pagod. Sinunod ko ang sinabi ni Rafael, naligo muna ako bago mahiga sa kama.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko kay Rafael nang bigla siyang pumasok sa kuwarto.
"Matutulog kang basa ang buhok mo?" Tanong niya. Mahina akong natawa at muling naupo sa kama. Medyo basa pa nga ang buhok ko.
"Ugali mo ba talagang tamad magpatuyo ng buhok?" Tanong niya at kinuha ang blower na nakalagay sa gilid ng salamin.
"Inaantok kasi ako minsan." Dahilan ko. Tumayo ako at umupo sa tapat ng salamin. "Kaya nga minsan nagpapa-gupit ako. Hindi naman kasi ako lumalabas ng kuwarto kapag nasa mansyon ako." Sumulyap siya sa salamin.
Nagbago lang ang mga bagay na nakasanayan ko nang manirahan ako rito. Natutuhan kong magbigay ng oras sa mga taong nakapaligid sa akin.
"But, I like your hair." Mahina akong natawa. Pinagmamasdan ang mukha niya sa salamin.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomansaFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...