Chapter 24

1K 10 0
                                    


Naging masaya naman ang laro namin kahapon. Medyo nakakainis si Veronica pero, mabilis rin nawala iyon dahil sa pangungulit ni Rafael. Kahit nung nasa kuwarto na kami ay wala siyang ginawa kung hindi ang lambingin ako. Halos nasanay na kaming mag make out bago matulog. Ayaw niya akong pangunahan at gano'n din naman ako.

"Good luck!" Humalik ako sa labi niya bago magtungo sa mga kasama ko. Magkakahiwalay naming gagawin ang laro ngayon. Kailangan naming hanapin ang object na nabunot namin kanina. Dahil malawak ang lugar ay kailangan naming maghiwa-hiwalay para mahanap iyon agad.

"Huwag ka nalang kaya sumama?" Tanong ni Jenna. Umiling ako at sumabay nalang maglakad sa kaniya. Isa siya sa naging malapit kay Daddy no'n. Isa rin siya sa naniwala sa akin, sa kung ano ang kaya kong gawin.

Alam kong nag-aalala sila para sa akin pero, panahon na siguro para harapin ko iyon. Para tuluyan na rin makalaya sa nakaraan.

"What?" Tanong ko kay Caleb ng mapansin ang pagtitig niya sa akin. Ang weirdo niya talaga minsan. Pero, madalas ay okay lang naman siya. Siguro dahil nasanay ako sa pagsusungit niya.

Naghiwa-hiwalay kami para hanapin ang maliit na kahon. Iyon ang kailangan naming mahanap. May pera dito at iyong laman niya ay ibibigay namin bilang isang donasyon.

Halos naging abala kaming lahat, walang exact location na nakalagay dahil kailangan talaga naming hanapin ay iyong mismong nabunot namin. Natigilan kami nang marinig ang pagtawag sa amin ni Caleb. Mukhang nahanap na niya ang bagay na iyon.

"I found it. Balik na tayo sa camp." Sinulyapan ko ang suot kong relo.

"1:30 pm? Kaya pala nagugutom na ako." Bumuntong-hininga ako bago sumunod sa kanila. Siguro ay tapos na rin sina Rafael. Halos limang oras na rin pala kaming naghahanap.

Nang bumalik sa camp ay wala pa ang team nina Rafael at Kuya Oliver. Tanging sina Kuya Lance at Ali lang at ang team nila ang naroon. Dumeretso nalang muna ako sa kuwarto ko para maligo. Wala rin naman akong ganang kumain dahil wala pa si Rafael. Sigurado akong gutom na iyon.

Nagsuot ako ng short at t-shirt ni Rafael at muling lumabas ng kuwarto. Nakatali ang mahaba kong buhok. Naupo ako sa labas at doon ko lang napansin na dumating na pala ang team nina Kuya Oliver. Hindi ko alam kung anong oras na. Medyo kinakabahan na ako dahil madilim na rin ang kalangitan. Sigurado akong uulan ng malakas.

"Oh? Ayon na ang team nina Rafael!" Masigla kong sabi. Tumayo ako para nakita sila pero, agad na nangunot ang noo ko nang mapansin na wala si Rafael. Kinakabahan ako.

"Nasaan si Rafael?" Tanong ko kay Veronica. Pinagtaasan niya lang ako nang kilay. Agad kong hinawakan ang braso niya. "I'm asking you Veronica?"  Mariin kong sabi sa kaniya.

"We couldn't find that fvcking object kaya siya nalang ang pinaghanap ko. Total naman ay mapilit siya-Ano ba?! Nasasaktan ako!" Sigaw niya habang inaalis ang pagkakahawak sa braso niya.

"Amari, calm down. 5pm palang naman. Babalik din iyon." Pagkalma sa akin ni Kuya Ali. Inis kong binitawan ang braso ni Veronica.

"Siguraduhin mo lang na walang mangyayari sa asawa ko." Irita kong sabi. Gusto kong puntahan siya pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Umulan na rin kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot.

Halos palakad-lakad lang ako sa hallway ng tinutuluyan namin. Hindi makapag-isip ng maayos. "Hahanapin ko siya." Sabi ko bago pumasok sa kuwarto ko. Kinuha ko ang jacket ni Rafael at flashlight if incase na gabihin kami sa gubat. Nagdala rin ako ng pagkain dahil sigurado akong gutom na siya.

"Where are you going?" Nag-aalalang tanong ni Caleb. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hahanapin ko ang asawa ko." Mariin kong sabi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Halos nanlalamig ang kamay ko, hindi ko kayang manahimik nalang dito at maghintay.

Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon