I sighed while looking at him. Maingat niyang pinahiga sa kama si Shione. Palihim na napangiti nang halikan niya ito sa noo. Nakaramdam ako ng konsensya pero, pareho lang naman kaming nasaktan dahil sa mga padalos-dalos naming desisyon. Hindi ko naisip ang possibilities na puwede naming harapin in the future.Pero, kahit na naging padalos-dalos ako, hindi pa rin ako nagsisisi na nabuntis ako at nagkaroon ng anak. Si Shione ang naging dahilan ko para magpatuloy at sumubok sa career na hindi ko naman sigurado kung magagawa ko ng tama. It's take a risk or you'll regret it later.
"A-aalis kana ba?" Pilit akong ngumiti kay Rafael, nang sulyapan niya ako. Mabagal siyang tumango sa akin. "B-baka lang gusto mo munang mag-kape?" And I regret asking that question dahil gusto kong magpalamon sa lupa nang tuluyan siyang humarap sa akin. Tumikhim siya at nilagay ang parehong kamay sa bulsa.
"Ayos lang ba?" Mahina niyang tanong. Mabagal akong tumango at nahihiyang nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.
"Upo ka muna riyan. Magtitimpla lang muna ako." Agad naman niyang sinunod ang gusto ko. Ito rin siguro ang tamang oras para makapag-usap kami ng maayos. Iyong parehong hindi galit sa isa't isa.
Gusto kong malaman kung paano niya napatunayan na walang kinalaman si Daddy sa lahat ng nangyari sa magulang niya. Kung tutuusin ay may sarili kaming pag-iisip ni Rafael, madami ng nangyari kaya wala na akong lakas para magalit pa sa mga nangyari noon. Ang kailangan ko lang ay malaman ang totoo para tuluyan na akong makapag-simula ng walang galit sa pamilyang nagpalaki sa akin.
Huminga ako ng malalim bago muling bumalik sa kinaroroonan ni Rafael. "Hindi ko nilakihan iyong black coffee kasi late na rin, e. Baka mas lalong hindi ka makatulog." Pagdadahilan ko. Dahil sa isang taon na nakasama ko siya sa iisang bahay ay tanda ko pa rin ang mga bagay na hindi niya gusto." Pinaglaruan ko ang daliri ko nang mapansin ang titig niya sa akin. Nahihiya akong naupo sa tapat niya.
Hindi ko alam kung saan magsisimula dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero, sa huli ay tanging pagbuntong-hininga nalang ang nagawa ko.
"Francesca," Mabilis akong tumingin sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Pasensya na hindi ko kasi alam kung saan magsisimula pero, uhm...lasing ka kagabi kaya hindi ko alam kung tanda mo pa rin ang sinabi ko. What I mean, is that...sinabi na sa akin ni Dalia ang mga nangyari. Kung bakit mas pinili mong umalis. It wasn't your intentions to hurt me." Sunod-sunod kong sabi sa kaniya. "And I'm sorry for what I have said last night." Deretso kong tumingin sa mata niya.
"Totoong galit ako sa 'yo kasi akala ko ginamit mo lang ako, na gusto mong makaganti sa akin." Muli kong sabi. Tahimik lang niya akong pinakinggan.
"But, I want you to know that I'm really in love with you back when we were in college. Hindi kita pinaglaruan, sadyang nangyari lang ang pag-aaway ng pamilya natin. I don't have choice, Rafael, nagkatoon na pinagbawalan ako ng pamilya ko kaya sinabi kong pinaglalaruan lang kita. We hate each other pero, hindi ko naman alam na mahuhulog pala ako....ulit." Muling pumatak ang luha sa mata ko. Halatang nagulat si Rafael sa pag-amin ko sa kaniya.
"Nang nalaman ko ang totoong nangyari...the bankruptcy of your dad's company, nag-away kami ni Daddy, na naging dahilan kung bakit wala na siya ngayon." Umiiyak kong kuwento.
"I hate you for leaving me kasi....wala akong ginawa kung hindi ang ipagtanggol ka sa magulang ko. Hindi mo naman hiniling pero kasi....mahal kita kahit no'ng mga panahon na hindi na tayo nag-uusap at nagkikita. I planned everything...our marriage." Tumigil ako saglit.
"Umaasa na kapag pareho tayong nahulog sa isa't -isa, hindi na natin kailangan maghiwalay. Totoong ginawa ko ang kasal na iyon dahil kay Mommy at para na rin maitama ang ginawa ni Daddy pero, totoo rin na mahal kita kaya ko pinilit na makasal sa 'yo. K-kasi naiisip ko na kung hindi lang ikaw ang makakasama ko...huwag nalang." Hinayaan ko ang sarili kong umiyak. Marahan na pinunasan ang luha sa mata ko at pilit na ngumiti rito.
"I left because I have a reason, Francesca. I can't be selfish that time because we need our mom, we waited for her. My sibling waited for year just to see her again. God knows how much I love you. I may be leaving you behind but my heart will remain devoted to you." He said, as I stared into my eyes, filled with love and admiration. He literally does everything for me, he takes care of me back then, we're both in love. Na halos hindi kami naghihiwalay.
"I am incapable of loving anyone else, Francesca. It's you or no one. When I decided to pursue my dream in London, I promised to myself that even if I get to meet someone else, it's still you, when someone confessed to me, I always think about you. It's always you. And it will always be you, Francesca." Mahina akong natawa sa sinabi niya. Ilang taon kong iniyakan ang sinabi niya sa akin, na hindi niya ako mahal.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ngumiti sa kaniya. "How about your mom? Kamusta na siya?" Pag-iiba ko ng usapan.
"She's fine. Mas gusto niya ro'n sa London." Tumango ako bilang sagot.
"Ayaw niya pa rin ba sa akin?" Sumilay ang lungkot sa mata niya. Gusto ko sanang bawiin ang tanong ko pero, mas magmumukha lang akong tanga sa harapan niya.
"No. She wants to meet you." Mabagal akong tumango rito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Muli kaming natahimik ni Rafael. Ang awkward dahil pareho naming hindi alam ang gagawin.
"I'm sorry for everything, Cesca. Believe it or not, I don't have a choice." Pilit akong ngumiti rito.
"Naiintindihan ko ang mama mo. Kung ako rin naman siya, gano'n din ang mararamdaman ko. Sabi mo ay normal lang na magalit tayo, we can't invalidate her feeling, Rafael. Nawala ang papa mo, kaya hindi iyon madali sa kaniya. Hindi ako galit sa kaniya." Paliwanag ko sa kaniya.
Hindi madali ang ginawang desisyon ni Rafael. Now I understand, katulad ko ay kinailangan niyang magsinungaling para matapos ang relasyon namin. Siguro nga ay may dahilan ang lahat, siguro ay kinailangan namin maghiwalay ara matuto at mahanap muna namin kung saan ba talaga kami sasaya. Pareho na naming natupad ang pangarap naming dalawa.
Nagawa niyang magkaroon ng restaurant, hindi lang isa kung hindi lima. Nagawa niyang magawa iyon sa loob ng apat na taon. Nagawa naming patunayan ang sarili namin, na kahit hindi kami magkasama ay unti-unti naming nabuo ang pangarap na sabay naming binuo no'n.
Mabuti nalang at nagpaalam si Rafael nang tumawag ang mama niya. Mukhang madami pa siyang sasabihin pero, sa hulu ay mas pinili niyang magpaalam sa akin. Medyo late na rin at kailangan naming matulog.
Irita akong bumangon dahil kahit anong gawin ko ay paulit-ulit kong naaalala ang sinabi ni Rafael sa akin kanina.
"I am incapable of loving anyone else, Francesca. It's you or no one, Francesca."
"Argh! Ilang taon akong naghanda para rito pero, bakit unti-unti na naman akong bumabalik sa dati? Isang salita lang niya, unti-unti kong nakikita ang sarili kong humahakbang pabalik sa kaniya!" Bulong ko at pabagsak na humiga ulit sa kama.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...