Chapter 20

1.3K 12 5
                                    


Rafael's still sleeping. I'm busy tracing his tattoo again, my favorite things to do. Mahimbing pa rin siyang natutulog,  mukhang napuyat kagabi dahil late na rin kaming nakauwe. Sobrang lakas ba naman ng ulan.

Natigilan ako nang bigla niyang hulihin ang kamay ko at mabilis na hinila para mapayakap ako sa kaniya. Saktong sa dibdib niya akong natumba. "Good morning." Inaantok niyang sabi. Tumingala ako para makita ang mukha niya. Tama ako dahil nakapikit pa rin siya.

"It's already 8:30, Mr. Valeria." Paalala ko sa kaniya. Hinila niya pa ako para mas lalong magdikit ang katawan namin. "Ayaw mo bang pumasok tayo ngayon?" Natatawa kong tanong. Muli kong sinandal ang ulo ko dibdib niya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Kung gaano ito kabilis.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko. "What are you doing to me?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Mabilis niyang ginalaw ang braso niya para pigilan ako sa paggalaw.

"Mahal mo na ata ako, e." Biro ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa at humalik sa ibabaw ng ulo ko.

"Of course! You're my wife." Mas lalo rin akong yumakap sa kaniya. Kung ako ang tatanungin, mahal ko naman talaga siya. Na kahit matapos ang kontrata namin, siya at siya pa rin. Na pagkatapos ng lahat ng 'to, siya lang ang lalaking minahal at mamahalin ko.

"Ayaw mo ba talagang pumasok?" Tanong ko habang nakayakap sa kaniya.

"Hmm.." Sagot niya. Ngumiti ako at muling tumingin sa kaniya.

"Okay. Tawagan ko nalang ang secretary ko. Magpapahinga ka ba ngayon?" Marahan akong lumayo sa kaniya. Nahihirapan ako sa position naming dalawa.

"No. Ngayon ko dadalhin kay Avi ang mga kapatid ko." Tumango ako bilang sagot sa kaniya.

"Malayo ba siya rito? Like, ilang oras ang byahe?" Tanong ko. Inayos ko muna ang buhok ko at umupo. Kailangan kong magluto dahil baka magutom ang mga bata sa byahe nila.

"You're coming with us, wife." Malambig niyang sabi. Natawa ako nang muli niya akong hilain sa kama. "I'll cook for us." Sabi niya at mabilis na humalik sa labi ko. Naiwan akong tulala nang bumangon siya at lumabas ng kuwarto namin.

Minsan talaga ay ang labo ni Rafael kausap. Nang makabawi ay tumayo na rin ako at tumawag muna sa secretary ko. I told her na siya na muna ang bahala sa lahat dahil wala rin namang kaming trabaho bukas.

Bukas ng gabi ang alis namin para kina-umagahan ay nasa Batangas na kami at magsimula ng celebration namin.

"Gulay iyan?" Tanong ko kay Rafael nang mapansin ang niluluto niya. Nagpreto siya ng itlog at hotdog para sa mga bata. Kumuha nalang din ako ng sandwich habang naghihintay ng pagkain. Pinanood ko lang si Rafael.

Sanay na sanay siyang magluto dahil ang bilis niya maghiwa ng gulay at isda. "Bakit hindi nalang kaya tayo magpatayo ng Restaurant? Tapos ikaw iyong chef? Baka lagi akong tatambay ro'n dahil paborito ko ang luto mo." Bigla kong naisip ang bagay na iyon. "Hindi ba pangarap mong magkaroon ng sariling negosyo? Kasi nga may mga hotel kayo dati?" Marahan siyang tumango. Pansin ko kay Rafael, na masyado siyang nakikinig sa mga sinasabi ko.

Kahit gaano pa iyan kaabala sa ginagawa niya, nakukuha niyang sagutin ang mga tanong ko. Naalala ko nga no'ng kasama namin si Kuya Oliver, na kahit nag-uusap sila ay nakukuha niyang buksan ang kinakain ko at itali ang buhok ko dahil nahihirapan akong kumain.

"Do you want me to have my own business?" Mabilis naman akong tumango.

"Hm? Tapos ipangalan mo sa akin. Kahit initial nalang." Natatawa kong biro. Agad naman niya akong tiningnan at ngumiti.

"I will. Sampung branch pa iyan." Pabiro ko siyang inirapan. "I'm serious." Dagdag niya pa. Lumabas na rin ang dalawa niyang kapatid.

"Kuya, kay tita Avi mo kami iiwan, hindi ba? Namiss namin siya." Sabi ni Real. Siniko naman siya ni Reina.

Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon