"Do you want me to talk to him?" Tanong ni Rafael. Agad akong umiling ang hinawakan ang kamay niya.
"I'm fine. Don't worry." Hindi ko sa kaniya sinabi ang gumugulo sa isip ko. Malabong makuha sa pakiusap si Caleb. Hanggang hindi siya nagsasalita, siguro naman wala akong dapat ika-bahala.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa, nag-order nalang kami ng pagkain at dito kumain sa opisina. Dapat ay kanina pa siya nakabalik kay Kuya Oliver, kaso ay makulit talaga ang isang 'to. Ayaw niya akong iwan dahil baka umiyak na naman daw ako.
Hindi naman talaga ako iyakin, sabi nga nila hindi ako marunong magpakita ng emosyon. Pero ibang usapan na kapag si Rafael at kapatid niya ang usapan.
"Ang bilis lang ng panahon," Sabi ko habang nakasandal sa balikat niya. Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay.
"Mabilis lang naman ang training mo kay Kuya Oliver and Kuya Ali. Kay Caleb lang." Inalis ko ang pagkakasandal sa balikat niya humarap sa kaniya. "I'm sorry." Kumunot ang noo niya.
"For what?" Naguguluhan niyang tanong.
"Tahimik naman kasi ang buhay mo no'n. Napahamak ka pa dahil sa akin. Alam kong hindi madali ang pinapagawa ng mga pinsan ko kaya... Pasensya kana. Hindi ko naisip ang mga mangyayari dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Gusto ko lang na makasal sa 'yo." Sumimangot ako nang marinig ang mahina niyang pagtawa.
"You're so adorable, Francesca Amari." He lifts my chin and makes eye contact with me. He smiles lightly. "It's okay. I'm married to you. The heiress of Tan Corporation. I'm expecting this, hmm?" Makahulugan niyang sabi. Tumango lang din ako at ngumiti sa kaniya.
"Balik kana ro'n, okay na ako." Nakangiti kong sabi.
"Are you sure?" Tumango ako. "Okay. Just call me if you need someone, hmm?" Muli akong tumango rito. He placed a soft kiss on my lips before leaving the room.
Inayos ko muna ang sarili ko at ginawa rin ang mga dapat kong tapusin. Hindi dapat akong magpadala sa mga sinasabi ni Caleb.
Mabuti nalang at maliit lang ang kailangan kong tapusin ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Anna.
"Naalala mo rin ako sa wakas!" Rinig ko ang pagtawa niya.
"Pasensya kana. Naging busy, e." Sagot ko. Sumandal ako sa likod ng swivel chair ko.
"Ano ka ba? Sanay na ako haha! Napatawag ka?" Bumuntong-hininga ako.
"W-wala lang. Hindi na kita nakikita." Pag-iba ko ng usapan. May tiwala naman ako kay Anna. Malabong siya ang nagsabi kay Caleb.
"Bisita ako sa 'yo kapag hindi na ako busy. Sa office ba o sa bahay niyo? Ngumiti ako.
"Lilipat na kami. Hanapin mo nalang address ko." Pag-iiba ko ng usapan.
Madami pa kaming napag-usapan pero, mas pinili kong huwag nalang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Caleb.
I told her that I needed to end the call. We've been friend since grade school. Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na puweding makasakit sa akin.
"Sa wakas! Puwede ng umuwe." I stretched my arms and stood up. Inayos ko ang mga gamit ko at sinuguradong wala akong nakakalimutan.
Ako nalang ang pupunta kay Rafael. Nakangiti akong kumatok sa opisina ni Kuya Oliver, at pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...