Napangiti ako habang inaayos ang susuotin namin ni Shione sa party mamaya. Dapat nga ay kanina pa kami nakaalis pero, may pasok kasi amg anak ko. Parang kailan lang ay binubuhat ko siya at madalas lambingin sa tuwing umiiyak siya.The weeks became month, and months became years. Totoong hindi pa kami hiwalay ni Rafael but, I'm not expecting him to still love after what happened to us. Sometimes I'm wondering what went wrong to our marriage? Masaya naman kami, nagsimula sa pinaka-umpisa hanggang sa unti-unting makaipon.
It's been years since he broke my heart. Wala siyang alam sa anak namin but, I do miss him. I sometimes stalk his account pero sana pala ay hindi ko nalang ginawa. He's more than happy without me. Meron na siyang sariling restaurant at lagi siyang may kasamang babae. I don't know what's their relationship but, I think he's inlove with her. Ibang-iba ang paraan ng pagtitig niya rito. Halatang masaya sila sa bawat litratong pino-post ni Rafael
Kumunot ang noo ko nang madatnan ko si Shione sa may sala. Tahimik siyamg umiiyak kaya agad kong nilapitan. She's six years old already. Talagang iyakin siya pero hinahayaan kong ilabas ang sama ng loob niya, ayaw ko siyang masanay na nagtatago sa akin o kaya ay naglilihim ng problema niya.
I want her to know that I'm always here to listen and guide her as her mom.
"Why are you crying, baby?" Malambing kong tanong. Umupo ako sa tapat niya para mapantayan siya. "May masakit ba sa baby Aeliana ko?" Mabilis siyang umiling habang nagpipigil ng hikbi.
"Let it out, baby. Mommy's here. Anong nangyare?" Marahan kong inayos ang buhok niya. Mahaba iyon kaya natatakpan niya ang mukha niya pag ganitong nakayuko siya. Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya.
"Mommy, hindi ako kasali sa top. Nag-aaral naman po ako pero, hindi pa rin po ako nasali." Umiiyak niyang sabi. Pinahid ko ang luha sa pisngi niya.
"It's okay to cry, baby, your feeling are valid. Kapag gusto mong umiyak, okay lang dahil nasaktan ka, hindi ba? But, I want you to know that I'm still proud of you for still trying your best. You did a great job, Baby. Okay lang din kung hindi ka mapasali sa top, ang importante ay sinubukan mo at pinaghirapan mo, okay?" Nahihiya siyang tumingin sa akin.
"Hindi po ba kayo nagagalit?" Inosente niyang tanong. Mahina akong natawa habang hinahaplos pa rin ang pisngi niya.
"Bakit naman magagalit si mommy?" Nakamgiti akong tumayo at umupo sa sofa. Hinawak ko ang kamay niya at hinila palapit sa akin. "Enjoy your life, baby." Inosente siyang tumitig sa akin.
"We only live once, baby Shione. Habang bata ka pa, enjoy mo ang buhay na meron ka pero, hindi ibig sabihin ay pababayaan mo ang pag-aaral mo, okay? Alam kong hindi mo pa maintindihan si Mommy pero, kapag big girl kana, maiintindihan mo rin ang gusto kong ipahiwatig." Napangiti siya at hinawakan niya rin ang pisngi ko.
"Gawin mo kung saan ka masaya, life is not a competition, baby. Always remember that, okay?" Mabilis naman siyang tumango sa akin. "For now, ayusin muna natin ang mga gamit natin, okay? Pupunta tayo ng Maynila." Mabilis na napalitan ng tuwa ang mukha niya.
"Pupunta tayo kay Tita Anna?" Nakangiti akong tumango rito.
"Yes. May party mamaya kaya kailangan natin magpunta." Natawa ako nang patakbo siyang pumasok sa loob ng kuwarto. Hindi naman kami madalas magpunta ng Manila. Mas lalo kasi akong naging abala sa pag-asikaso ng resort.
Nakakatuwa dahil ngayon ay kilalang resort na ang pinatayo kong negosyo. Parang kailangan lang ay iniiyakan ko ang lahat. Nagdadalawang isip sa kakayahan ko, na paano kung hindi ko talaga kaya? Paano kung mali pala ang desisyon ko? But, look at me now.
Nagawa kong magkaroon ng sariling resort, isang bagay na alam kong magiging proud si Daddy at Mommy.
"Mommy, pupunta rin po ba tayo kay Tito Caleb?" Excited na tanong ni Shione. Tumango ako dahil nakatutok ang atensyon ko sa daan.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...