It's always a dream for me to visit this place. I've never been there before but, I really love the idea of having fun at the amusement park. The laugh and the screams of other people always made me feel alive and happy.
Madalas kong makuha ang mga gusto ko pero, kapag sa mga maiingay na lugar at masyadong matao, ayaw na ayaw ni daddy na pumupunta ako. I don't know why? I'm always complain back then but, when I found out the truth, I tried to understand.
All throughout the ride we were just laughing and smiling. We enjoyed every minute and every second like, there's no tomorrow. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Akala ko ay uuwe na kami pero, nagdesisyon kami ni Rafael na mamili muna ng makakain namin dahil nga bukas ng gabi ang alis namin.
Kung dati ay limit lang talaga ang mga kinakain ko, ngayon ay hindi na. Simula kasi ng magkasama kami ni Rafael, ay walang araw na hindi niya pinaramdam na walang problema sa katawan ko. It's okay kung tumaba ako ng unti. Kapag ramdam niyang nagdi-diet ako ay sinasamahan niya ako mag-jogging sa umaga. Para kahit paano ay maisipan kong kumain.
"Do you want to eat?" Tanong ni Rafael nang mapadaan kami sa 7/11. Mabilis akong tumango at humawak sa kamay niya.
"Gusto ko ng Ice cream." Parang bata kong sabi. Tumango siya at sabay kaming nagtungo sa 7/11. Mabuti nalang at nasa kotse na niya ang mga pinamili namin.
"What flavor?" Malambing niyang tanong.
"Mint Chocolate," Akala ko ay dalawa kaming pipila pero, napangiti ako nang dalhin niya muna ako sa bakanteng upuan. It's already 11:30 pm, walang masyadong tao.
"Wait here. Iyon lang ba ang gusto mo?" Tumango ako. Busog naman talaga ako, gusto ko lang kumain ng ice cream ngayon. "Okay." Sagot niya bago tuluyang kumuha ng ice cream at pumila para magbayad.
Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Nanghihinayang sa mga sandaling mas pinili kong palayain siya. Maybe, everything happens for a reason. Akala ko sa movie and books lang nangyayari iyong magkalaban sa negosyo ang pamilya niyo, pero pati pala talaga sa totoong buhay.
"Here," Ngumiti lang ako nang maupo siya sa tapat ko. Tiningnan ko ang ice cream na binili niya.
"Cookies and cream?" Tumango siya. Nagtataka nang iyon ang kunin ko. "Parang mas gusto ko 'to." Nakanguso kong sabi. Sinimulan ko itong kainin bago tumingin sa kaniya, "Puweding akin nalang tapos sa 'yo 'yang Mint?" Mahina siyang tumawa bago kunin ang mint chocolate na order ko.
"May choice ba ako, wife?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi talaga boring ang araw ko kapag siya ang kasama ko. Ang bilis kong matawa sa kahit anong bagay na ginagawa niya.
"Parang ayaw kong sumama sa anniversary," nakanguso kong sabi habang nilalaro ang ice cream. Nagtatakang tumingin sa akin si Rafael. "Pero wala akong choice kasi ako dapat ang nandoon. To celebrate our company's success." Pilit akong ngumiti. Pilit inaalis sa utak ko ang mga nangyari.
"Let's go home? Inaantok na kasi ako." Totoong inaantok na talaga ako. Sobrang dami rin ng pinuntahan namin ngayon kaya bigla akong nakaramdam ng pagod.
Naunang tumayo si Rafael, hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako. Gano'n naman siya lagi, halos sanay na sanay na rin ako sa paraan ng pagtrato niya sa akin. Para akong baby na lagi niyang iniingat.
"You can sleep. Gisingin nalang kita pag nasa bahay na tayo." Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya, hinawakan niya ang ibabaw ng ulo ko para hindi 'to tumama sa pagpasok ko sa loob.
"Malapit lang naman, e." Sabi ko nang makapasok na rin siya. Matamis lang siyang ngumiti at nagsimulang magmaneho. Pinipilit kong huwag makatulog pero hindi na talaga kaya nang mata ko.
Naramdaman ko nalang ang pagbuhat sa akin ni Rafael at ang paghalik niya sa noo ko bago ihiga sa malambot na kama. Hindi ako nag-abalang idilat ang mata ko. Siguro ay nanaginip lang ako nang sabihin niya sa akin ang salitang....i love you.
***
"Wife," Malambing na bulong ni Rafael. Marahan ang paghalik niya sa akin. Habang ang isa niyang braso ay nakayakap sa bewang ko. "It's time to eat, Mrs. Valeria." Muli niyang bulong. Napangiti ako nang maramdaman ang paghinga niya sa kaliwang leeg ko. Kasalukuyan akong nakatalikod sa kaniya.
Inaantok pa talaga ako kaya hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin. Marahan kong tinagilid ang ulo ko para hayaan siya sa ginagawa niya.
"Mrs. Valeria, It's already 11:45. Kailangan mong kumain." Gulat kong naidilat ang mata ko at tumingin sa kaniya. Mukhang nakaligo na siya dahil basa pa ang buhok niya. Hahalikan niya sana ang labi ko nang mabilis akong umiwas.
"Wala pa akong toothbrush." Saway ko sa kaniya. Pinagtaasan niya ako nang kilay at hinawakan ang kamay kong nakatakip sa bibig ko.
"I don't mind." Umiling ako. Mahina siyang natawa at umupo ng maayos. "I think you're not comfortable so, it's alright. Mag toothbrush kana." Ngumuso ako at umupo na rin.
"Wala pa akong hilamos," Dagdag ko.
"And you're still beautiful, Mrs. Valeria." Pabiro ko siyang inirapan at tumayo na rin sa kama.
"Sinasabi mo iyan kasi asawa mo 'ko." Natatawa kong sabi. Tumayo siya at kinuha ang black shirt niya. "Hintayin kita sa sala, hmm? Kailangan mong kumain." Tumango nalang bago nagtungo sa banyo.
Masyadong mahaba ang naitulog ko, dati ay hindi ako makatulog, hindi kumakain ng maayos, laging busy sa trabaho at inuuna ang ibang bagay. Ngayon ay ibang usapan na. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag may nag-aalaga sa 'yo. I'm strong independent woman before, simula ng mamatay si Daddy ay wala akong ginawa kung 'ndi ang lumayo at maging matatag sa paningin ng ibang tao.
But everything has changed.
Naging dependent ako kay Rafael, siguro dahil kampante ako sa kaniya, siguro ay ramdam kong totoo lahat ng pinapakita niya. I don't want to disappoint myself that's why kahit alam kong may hangganan ang tungkol sa amin, umaasa pa rin talaga ako.
"Dami mo namang niluto?" Tanong ko nang mapansin ang Garlic Butter Shrimp na luto niya.
"That's your favorite, right?" Mas lumawak ang ngiti sa labi ko nang ipaghila niya akong ng upuan.
"Ang sarap naman maging asawa mo." Natatawa kong sabi. "Baka hindi na ako maka-move on nito?" Dagdag ko bago maupo. Akala ko ay aalis na siya sa tabi ko pero nagulat ako nang yumuko siya at pagmasdan ang mukha ko.
"Can I kiss you now? Where's my morning kiss?" Mahina akong natawa sa naging tanong niya. Sigurado akong hahanap-hanapin ko ang ganitong ugali niya sa akin. Ang paglalambing niya. "Wife," Marahan akong tumango.
He lean down and kissed me gently, his lips were so soft and inviting. He cupped my face so I slowly raised my head up. Pansin niyang nahihirapan akong abutin siya. He carried me in the table without breaking the kiss. No one would like to break the kiss. I closed my eyes and held his nape to deepen the kiss and wrapped my legs around his legs, locking him close to mine.
I smiled when Rafael's breaks the kiss and moves his lips to my jaw, moving down to my neck. Akala ko ay magpapatuloy siya pero, sinandal niya lang ang noo niya sa balikat ko. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga habang nakahawak pa rin sa bewang ko.
"Let's eat?" Mahina akong natawa sa sinabi niya. Tumayo siya nang maayos at muling hinawakan ang pinsgi ko. "I know you're not ready for this, Francesca. I want you to decide and think about it. I don't want to force you, okay?" Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng disappointment. I mean, I know I love him at I'm ready to that thing with him but, I think we both respect each other.
Araw-araw nalang talaga ay mas minamahal ko si Rafael. Walang araw na hindi niya ako pinapa-bilib.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...