_______
A/N: Hi! This is the last chapter of Wondering Want Went Wrong, to be honest, akala ko mahihirapan akong magsulat nito, dahil malayo siya si Francesca sa character na sinusulat ko. She's spoiled brat but, love changed her, natuto siya sa mga bagay-bagay habang kasama niya si Rafael. I really enjoy writing their love story. I'm always excited to read your comments and write every chapters. Hindi ko 'to matatapos without you, Moonlight bb's. Thank you for supporting this hanggang sa huli. Ang dami kong gustong sabihin pero di ko maisa-isa. Naiiyak talaga ako while writing this but, mababasa niyo pa rin naman sila sa book ni story ni Caleb pero mga kaunti lang din dahil iba ang FL do'n. Again, Thank you so much, Moonlight bb's for the support!
______
"What's this?" Tanong ko kay Rafael nang dalhin niya kami ni Shione sa isang bakanteng lotte.
Nagawa naman naming bilhin ang mga kailangan namin sa resort at sa bahay hindi ko lang alam dito kay Rafael kung ano ang meron sa lugar na 'to.
"Maganda ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Iyong lupa o mga damo?" Tanong ko na nagpatawa sa kaniya.
"Gusto kong magkaroon ng branch dito ang Seaside Brit's." Nakangiti niyang sabi. "Baka abutin ng isang taon dahil kailangan ko pang ayusin ang kontrata namin ni Caleb." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. So, isang taon siyang mawawala dito?
Babalik ba siya after 1 year? Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw ko pang sabihin kay Shione ang totoo, ayaw kong malungkot siya at hanapin ang tatay niya.
Madami naman kasing puweding mangyari sa isang taon. Paano kung magbago ang plano niya? Paano kung bigla niyang naisip na ayaw niya palang magka-branch dito sa Baguio.
His restaurant was collection of homemade recipes that include seafood and vegetables. No'ng nabasa ko ang tungkol sa restaurant niya, bigla kong naalala iyong pangarap naming dalawa. Nakakatuwa lang dahil hindi talaga siya nabigo.
Pinatunayan niya na kaya niya. Nakakatuwa lang din na hindi lang sa London sumikat ang restaurant kung 'ndi pati na rin sa ibang bansa at mas sisikat pa iyon kapag nagkaroon na ng branch sa Pilipinas. I'm so proud of him.
Pero kahit gano'n ay nalulungkot pa rin ako. Selfish ba ako kung hihilingin kong dito na muna siya? Na hayaan niya munang makasama siya ng anak ko? O baka ginagawa ko lang na dahilan si Shione?
Mabilis akong umiling habanh naghahanda ng pagkain. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Iniisip ko palang na malapit ng umalis sina Rafael ay mas lalo akong nalulungkot.
Ang mga sumunod na araw ay laging nasa bahay si Rafael. Ni hindi siya sumasama sa mga lakad nina Dalia, o baka mas gusto lang niya sulit ang araw na makakasama niya ang anak niya.
"Sir Rafael, marunong ka po bang kumanta?" Rinig kong tanong ng anak ko.
"Not really. Why?" Sumilip sko sa benta at tahimik silang pinanood.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...