Naunang umalis ang ilan naming kasama. Nakiusap din si Mr. Montessori na huwag munang ilabas ang mga nangyari dito sa Batangas. Naiwan kami ng mga pinsan ko at si Rafael.Dalawang araw na ang nakalipas pero, wala pa rin kaming balita kay Caleb. Halos naghanap kaming lahat pati ang mga tauhan ni Mr. Montessori pero, wala talaga. Pati ang suot niyang damit o kahit ano ay wala talaga.
"This is all your fault!" Sigaw ni Veronica sa akin. Kakabalik ko lang sa camp. Nas likod ko si Rafael.
"Stop blaming her, Veronica." Malamig na sabi ni Rafael. Hinawakan ko ang kamay niya. Nandito ang mga Montessori. Kasalanan ko rin naman, hindi sana 'to mangyayari kung hindi ko siya pinilit. Kung hindi niya ako nakitang nahihirapan.
"Why are you doing this to him?!" Sigaw niya. Hindi na ako nagulat nang malakas niya akong sampalin. Nagulat si Rafael sa ginawa niya.
Mabilis na lumapit si Kuya Ali sa amin, "Veronica!" Saway niya rito.
"What?! Kasalanan ko na naman?! Kuya Ali, nawawala si Caleb. We don't even know if he's still alive or what happened to him! Mag-isa siya s gubat! He hates being in the dark pero, kinaya niya iyon dahil sa babaeng 'to!" Sigaw niya. Naramdaman ko ang pagyakap ni Rafael sa akin. Alam kong galit siya pero, ayaw niyang dagdagan pa ang problema ko.
"Una si Tito ang kinuha mo! Ngayon naman ay ang kapatid ko?!" Sinubukan niya akong sugurin pero mabilis na humarang si Rafael. Wala akong lakas na lumaban o ipagtanggol ang sarili ko. Hinayaan ko lang ang pagpatak ng luha sa mata ko. I'm devastated.
"Stop it!" Pigil sa kaniya ni Kuya Oliver.
"Why?? Bakit ayaw niyong tanggapin na siya ang pumatay kay Tito, ha?! Kung hindi ka sana nakipagtalo sa kaniya, kung hindi kalang umalis ng gabing iyon... Baka buhay pa siya! Baka kasama pa siya ni tita!" Umiiyak na rin niyang sabi.
"It's your fvcking fault! Hinayaan mo siyang mamatay dahil lang sa mga Valeria! Tapos ano?! Ngayon naman si Caleb? Ganyan kana ba ka desperada sa asawa mo?!" Yumuko ako. Na kahit ayaw kong pakinggan ang sinasabi niya, alam kong tama lahat ng iyon. Na kasalanan ko naman talaga.
"T-tama na!" Sigaw ko. "I know it's my fault! Hindi ko naman kinakalimutan iyon! Gabi-gabi kong pina-panaginipan ang nangyari kay Daddy, Veronica! Ni hindi ko makuhang matulog dati dahil araw-araw sa aking pinapaalala ang nangyari! Ni hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na sisihin ka ng sarili mong ina. Na sa tuwing naaalala niya iyon, ayaw niya akong makita sa hospital." Hagulgol kong sabi sa kaniya.
"Tatlong taon na ang nakalipas pero, sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari! Kailangan kong uminom ng gamot o alak para lang makatulog kasi....gusto kong kalimutan ang lahat!" Hinawakan ako ni Rafael. Umiling ako at muling tumingin kay Veronica.
"Ngayon si Caleb naman. Akala mo ba madali lang sa akin 'yon?" Mahina siyang tumawa at inis na pinahid ang luha niya.
"You never cared for us! Sarili mo lang ang iniisip mo, Francesca. Ahhh muntik ko ng makalimutan. Sino ba naman kami?" Galit niyang sabi.
"I said stop!" Pilit siyang hinihila ni Kuya Ali pero nagpumigpas siya.
"You never cared for us kasi hindi ka naman kasama sa pamilyang 'to!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang sabihin niya iyon. "Tito Frances spoiled you. Binigay niya lahat-lahat kahit hindi ka nila kadugo. Wala silang alam sa mga magulang pero, ano ang ginawa mo? Mas inuuna mo ang Valeria kaysa sa amin!" Umiiyak na rin niyang sabi.
"Nang mamatay si Tito at malaman naming hindi ka parte ng pamilya, inalok ka ni Daddy na pakasalan si Caleb...kasi gusto naming maramdaman mo na pamilya ka pa rin namin, Francesca! Gusto naming manatili kang Tan at kadugo namin pero, ano ang ginawa mo? Lumayo ka sa amin at tinurin na kalaban! You even ignore Caleb. Hindi mo ba alam kung gaano ka kahalaga sa kaniya?! He's been protecting you for years! Matagal kana sanang wala sa kumpanya kung hindi lang dahil sa kapatid ko!" Hindi ko makuhang sumagot. Wala along ginawa kung hindi umiyak at tanggapin ang mga binibitawan nilang salita.
"And if something bad happen to him! Hinding-hindi kita hahayaang maging masaya. Gagawin ko ang lahat para mawala sa 'yo lahat. Pati ang taong pinaka-mahalaga sa 'yo!" Banta niya bago alisin ang pagkakahawak sa kaniya ng kapatid niya.
Naiwan kami ng tatlong pinsan ko at si Rafael. Hinawakan ni Rafael ang balikat ko.
"Take her to your room, Rafael. Kailangan niyang magahinga." Tumango lang si Rafael sa kanila at agad na sinunod ang sinabi ni Kuya Ali. Tulala lang ako hanggang sa makapasok kami sa kuwarto. Dapat ay nasa hospital pa rin si Rafael pero mas pinili niyang samahan ako rito.
Hindi ko kayang umalis na wala pa si Caleb, nakokonsensya ako. Kasi tama naman lahat ng sinabi ni Veronica. Takot si Caleb sa madilim na lugar, nagawa niya iyon kasi alam niyang nag-alala ako kay Rafael.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Rafael sa mukha ko. Pinahid niya ang luha rito at pinagdikit ang noo namin.
"I don't know anything....about your family but, I want you to know that I'm always here. You're not alone, Francesca. Sasamahan kitang malampasan ang lahat ng 'to." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"I don't know what to do anymore, Rafael. Natatakot ako sa puweding mangyari." Humigpit ang pagkakawak ko sa kamay niya.
"Hindi ko kaya kapag may ginawa sila sa 'yo." Tuluyan akong humagulgol nang sabihin ko iyon. Maingat akong niyakap ni Rafael. Isang yakap na laging nagpapagaan ng loob ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Ayaw ko mang mag-alala sa magiging takbo ng relasyon namin, alam kong anumang oras ay puweding lumabas ang totoo. Iyong tungkol sa amin.
***
H
indi ko alam kung paano ako nakatulog ng oras na iyon. Nagising ako nalang ako na wala sa tabi ko si Rafael. Bukas ang balik namin dahil hindi puweding mapabayaan ang kumpanya at lunabas ang nangyari kay Caleb.
Pinag-utos ni Mr. Montessori na sabihin sa iba na biglaan ang naging business trip ni Caleb sa Europe. Natigilan ako sa paglakad nang makasalubong si Tita Vina, agad akong napahawak sa pisngi ko nang sampalin niya ako.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo, Francesca! Inagaw muna sa akin ang kapatid ko, tapos ang anak ko na naman?!" Hindi ko makuhang tumingin sa kaniya. Nananatili akong nakayuko habang nilalaro ang daliri ko. Akala ko tapos na sila sa akin.
Nawala sa kanila si Caleb kaya, kahit alam kong babalikan nila ako ay umaasa pa rin akong maiintindihan nila ako. Na baka maisip nilang naging parte pa rin ako ng pamilya nila.
Simula no'n ay hindi na ako gusto ni Tita Vina, madalas kong marinig sa kaniya na hindi naman raw ako totoong anak ni Daddy, na baka raw ipahanak ko ang yaman na pinaghirapan nila. Simula pa no'n ay lagi kong pinapatunayan ang sarili ko. Gusto kong patunayan na kahit hindi nila ako kadugo, may malasakit at magagawa pa rin ako sa pamilya namin. Pero dahil sa mga nangyari, parang totoo lahat ng sinabi nila sa akin.
Na magiging problema lang ako ng pamilya. Na wala akong magandang idudulot sa kanila. Dahil sa akin, namatay si Daddy. Tinago iyon ng lahat para lang protektahan ako sa mata ng media at ibang nakaka-kilala sa pamilya namin.
"Walang ginawa si Caleb kung hindi ang ipagtanggol ka sa amin at sa mga Montessori. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo siyang mawala para lang sa lalaki mo." Mariin niyang sabi. Hindi ako nagsasalita. Dahil pagdating sa kanila, para akong tuta na laging takot at hindi marunong lumaban.
"Ipagdasal mo na maging ligtas si Caleb, Francesca. He's not here to protect you." Galit niyang dagdag.
"Hindi kita hahayaaan na maging masaya habang hindi ko pa nahahanap ang anak ko." Pagbabanta niya. Napaupo ako sa sahig nang tuluyan siyang mawala sa pangin ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kilala ko si Tita, katulad ni Veronica ay gagawin niya kung ano ang sinabi niya.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...