"Are you sure?" Tanong ko kay Rafael. Lunch time na pero, wala pa rin talaga akong natatapos. Nagdadalawang-isip ko, magiging assistant muna siya ni Kuya Lance. Which is okay with me, mabait naman kasi iyon kapag hindi kasama si Caleb.But, I'm kinda worried about him, kung mag-uumpisa siya, alam kong makakasama niya si Caleb, not now but soon. And I don't think it's a good idea. Kilala ko ang isang iyon, hindi lumalaban ng patas.
"I'm fine, okay? Don't worry about me." I sighed. Wala naman din akong choice dahil iyon ang gusto ni Rafael.
Tumayo ako para sumilip sa labas ng bintana. Mukhang uulan na naman mamaya. "What do you want to eat?" Naramdaman ko ang paglapit ni Rafael. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyaring halikan namin kanina.
Kung hindi pa kumatok iyong secretary ko, baka kung saan na kami napunta.
"Ikalma mo, nasa opisina tayo." Natatawa kong biro. He hugged me from behind and placed his chin over my tiny head.
"What's your favorite scent?" Tanong niya sa akin. Marahan kong ginalaw ang ulo ko para tumingala sa kaniya.
"Vanilla? Hindi kasi masakit sa ilong." Paliwanag ko sa kaniya. Tumango naman siya at sabay naming pinanood ang ibon na dumadaan sa bintana.
"Groceries nalang tayo?" Tanong ko nang ilang minuto kaming magkayakap.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya. Para kaming mag-asawa, na matagal ng magkakilala, iyong walang kasunduan na naganap. Alam kong katulad ko ay sumasabay lang din siya sa mga bagay na madalas gawin ng mag-asawa. It's scary.....hindi mo alam kung makakaya mo pa ba pagkalipas ng ilang tao na kasama siya.
I don't want to think about my future without him. I just want to enjoy this moment, iyong hahayaan ko ang sarili kong maging masaya kahit sandali lang.
"Wala kang gagawin?" Umiling ako at hinawakan ang kamay niya, "Okay. Bilhin natin ang mga gusto mong pagkain." Malambing niyang sabi.
Inayos ko muna ang gamit ko. Mabuti nalang pala at nagdala ako ng coat. Sinuot ko iyon dahil nga medyo maiksi ang black dress na suot ko.
"Mainit sa labas. Mas maiinitan ka niyan." Paalala ni Rafael nang mapansin ang suot ko.
"Ayos lang. Sa mall kasi tayo pupunta. Baka masilip ang panloob ko." Gusto kong mahiya nang pagmasdan niya ang itsura ko.
"Ayos lang ba kung itali ko nalang ang buhok mo?" He curiously asked. Marahan akong tumango.
"Bakit may dala kang ganyan?" Tanong ko nang pumwesto siya sa likod at sinuklay ang buhok ko.
"Laging nakalugay ang buhok mo. Pansin ko lang na nahihirapan kang kumain minsan." Ramdam ko ang init ng magkabila kong pisngi. Talagang inaalala niya lahat ng tungkol sa akin.
"Kay Reina ba iyan?" Muli kong tanong. Agad naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Hindi nagtatali ng buhok si Reina." Ngumuso ako. Maiksi lang din kasi ang bubok nun. "Done. Let's go?" Tumango ako at inalalayan niya akong tumayo.
Katulad ng nakasanayan ko, pinagbuksan niya ako nang pinto at muling nilagay ang kamay ko sa braso niya. Nadaanan namin si Kuya Oliver at Lance, na parehong nakangisi sa amin. Kahit papaano ay masaya sila para sa akin.
"Are you really comfortable with your dress?" Pansin niya siguro ang paghila ko rito. Ngumuso ako at umiling sa kaniya.
"Gusto mo bang magpalit nalang muna?" Agad naman akong umiling.
"Okay lang. Baka umulan pa, traffic din pag ganitong oras." Sabi ko. Kasalukuyan kaming nasa labas ng building. Mabuti nalang at hindi gano'n kainit sa labas ngayon.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...