"Sigurado ka ba talaga? Puwede naman na hindi mo sundin ang sinabi ni Caleb?" Tanong ko Rafael habang inaayos ko ang tie na suot niya. Mabilis siyang humalik sa labi ko."Don't worry about me, okay? Focus on your work. Magkikita pa rin naman tayo after work." Sumimangot ako.
"Dito na sa bahay. Malayo ang hotel sa mismong kumpanya, traffic din kaya mas nakakapagod kung pupuntahan mo pa ako." Paliwanag ko sa kaniya. Ayos lang naman sa akin kung dito na kami sa bahay magkikita. Ayaw ko rin siyang pahirapan.
"I can handle it. Mas nawawala ang pagod ko pag nakikita kita." Mahina kong hinampas ang dibdib niya.
"Nagiging korni kana." Natatawa kong sabi.
"Eat on time, okay?" Tumango ako at napangiti nang muli niyanh halikan ang labi ko.
Magkalayo lang naman ang papasukan namin pero, magkikita rin naman kami araw-araw. Hindi man kami sabay kakain tuwing lunch time at uuwe pagkatapos ng trabaho, kailangan kong magtiwala sa kaniya. I mean, alam ko namang kaya niya, mahihirapan siya pero, makakaya niya.
Ilang beses akong napabuntong-hininga. Mas lalong sumimangot nang marinig ang mahinang pagtawa ni Kuya Lance at Kuya Oliver. Tamad kong sinandal ang ulo ko sa dating table ni Rafael. I already miss him! Wala naman akong trabaho sa opisina dahil tinapos ko iyon kahapon, ngayon ay sila ang inaabala ko.
"Someone is worried." Parinig ni Kuya Lance. Mas lalo akong nawala sa mood. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Baka someone is jealous? Kilala naman natin si Veronica." Natatawang sabi ni Kuya Oliver. Inis kong inangat ang ulo ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"You're not helping me! I don't trust her. That's it." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Ibang usapan kasi kapag lalaki ang kaharap ni Veronica. Maganda naman ako pero, nakakainis pa rin.
Kung nagawa nga niyang agawan ang half-sister niya, ako pa kaya? It's not that I don't trust my man. I just don't trust my cousin. Montessori pa rin iyon! Madumi maglaro.
"Ikain nalang natin iyan?" Tanong ni Kuya Oliver. Mabilis akong umiling at tumayo para lumabas ng opisina.
"Kayo nalang. Bibisita nalang ako sa Hotel." Nagkatinginan ang pinsan ko at muling tumingin sa akin.
"Seriously? Ganyan ka ba ka-inlove sa asawa mo?" Nagtatakang tanong ni Kuya Lance. Tinapik naman ni Kuya Oliver ang balikat niya.
"Palibhasa ay hindi mo pa naranasan magmahal ng totoo. Tsk! Tsk!" Pang-aasar niya rito. Umiling ako bago tuluyang lumabas ng opisina.
Nagtungo muna ako sa parking lot, I decided to use my car. Ayaw kong pagtripan na naman ako ni Veronica, baka isama niya pa si Rafael.
Mabuti nalang at walang masyadong traffic. Kumunot ang noo ko habang nakapark sa tapat ng hotel.
Kitang-kita ko kung paano harutin ni Veronica ang asawa ko. I mean, nag-uusap lang naman sila pero, halata sa mukha ni Veronica ang pang-aakit dahil masyado siyang nakadikit rito.
Pumikit ako at muling pinaandar ang sasakyan. Wala na. Sira na talaga ang araw ko. Dapat ba akong matuwa? Hindi siya pinapahirapan ni Veronica, at mukhang natutuwa pa nga siya rito. Dapat nga ay maging kampanti pa ako do'n, e.
Kaso ay naiinis pa rin ako. Ayaw kong pangunahan si Rafael, nakita ko lang naman silang nag-uusap, of course! Magkasama sila sa trabaho, Francesca! Pero, bakit gusto kong maiyak? Ganito na ba kalala ang epekto sa akin ni Rafael?
Inis kong ininom ang hawak kong alak. 3:00 pm pa naman pero, heto at naglalasing na ako. Hindi rin ako bumalik sa opisina, mas pinili kong unuwe nalang at magkulong sa kuwarto. Wala rin akong natanggap na kahit isang message kay Rafael.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...