Chapter 26

1.1K 11 0
                                    


Napayuko ako habang nagpipigil ng hikbi. Muli kong nabitawan ang hawak kong make-up brush. Hindi ko alam kung nakailang ulit na ako maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko.

Ilang araw na ang nakalipas pero sa mga araw na wala pa rin akong balita kay Caleb, mas lalo akong pinanghihinaan ng loob. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at muling tumingin sa salamin. Mugto ang mata ko, halatang wala akong masyadong tulog at maayos na pahinga. Pinahid ko ang luha sa mata ko nang mapansin si Rafael.

Tiningnan ko ang reflection niya sa salamin. Kasalukuyan siyang nasa likod ko, alam kong nahihirapan din siya. Napapagod na makita akong ganito. Halos araw-araw akong umiiyak sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya at humawak sa magkabila kong balikat. "It's okay to cry, hindi naman masamang maging mahina minsan, Francesca. Hayaan mong ilabas lahat ng sama ng loob mo. You're not alone in this battle, hmm? You're hurting and it's normal. No one's invalidating your feelings. Kung anuman ang nararamdaman mo, valid iyon. Kung gusto mong isigaw iyon, gusto mong magwala. Do it. I want to be there for you during those hard time of your life. Hindi kita iiwan." Pilit akong ngumiti sa kaniya. Siya mismo ang nag-ayos ng buhok ko. Tahimik ko lang siyang pinapanood sa salamin.

Nang matapos ay muli akong naglagay ng make-up. Ayaw ipaalam ni Mr. Montessori ang nangyari kaya bawal kaming mahalata sa loob ng trabaho.

"Let's go?" Tanong ni Rafael. Tumango lang ako sa kaniya. Nakabalik na si Rafael kay Oliver. Mabilis kasing nakabawi ang hotel nang nandoon siya. Siguro ay nagkaroon talaga ng problema sa employee at si Veronica.

"Where do you want to eat after work?" Tanong ni Rafael. Nakayakap siya sa bewang ko habang papasok ng building.

"Sa bahay nalang siguro? Pero okay lang din sa labas kung tinatamad ka magluto." Pinipilit kong maging okay sa harapan ng madaming tao. Ayaw kong maging mahina.

"Okay. Magluluto nalang ako." Ngumiti ako nang humalik siya sa ibabaw ng buhok ko. Tumigil kami sa pintuan ni Kuya Oliver.

"Pumasok kana." Nakangiti kong sabi. Hindi siya sumagot, sa halip ay pinagmasdan lang niya ang mukha ko. Puno ng pag-aalala ang mata niya.

"Call me if you need something, hmm?" Tumango ako bilang sagot. Ayaw ko rin naman siyang mag-alala. Ayaw kong wala siyang matapos na trabaho dahil sa akin.

"Pasok kana." Ako mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniya. Nag-aalinlangan siya pero wala rin nagawa nang mahina ko siyang itulak sa loob.

"Call me, okay?" Nakangiti akong tumango bago isarado ang pinto. Hindi ko maiwasang hindi maging malungkot nang nasulyapan ang tabi ng elevator. Dito kami madalas magbangayan ni Caleb. I already miss him.

Iba pala talaga kapag hindi muna nakikita ang isang tao. Makikita mo lang iyong halaga niya kapag wala na siya. Kapag alamong hindi siya darating sa oras na kilangan mo siya.

Natigilan ako nang bigla akong harangin ni Kuya Ali. Salubong ang kilay niya, halatang may problema na naman. Siya ang head ng legal team kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot.

"M-may problema ba?" Nag-aalala kong tanong. Malalim siyang nagpakawala ng hangin.

"Nawawalan tayo ng 200 billion, someone hacked our account." Parang tumigil ang mundo ko naging balita ni Kuya Ali. Isang linggo lang nawawala si Caleb. Ito ba ang sinasabi ni Veronica? Na si Caleb ang dahilan kung bakit ngayon ay naririto pa rin ako?

He's protecting me. Siya ang pinaka-magaling sa hacking. Simula ng mga bata kami ay madaling talaga siya sa gano'n. Siguro dahil galing siya sa Montessori.

"Paano nangyari iyon?" Tanong ko kay Kuya Ali nang nasa opisina na kami. "Wala bang magaling bukod kay Caleb? Hindi ba natukoy kung sino?" Sunod kong tanong sa kaniya. Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam kung paano 'to nangyari dahil sigurado akong madaming magagalit sa akin. 200 billion is not a joke! Kahit pa ata magtrabaho ako ng ilang taon, hindi ko iyon maiipon agad.

"Kailangan mong magpatawag ng meeting, Amari. Hindi mo 'to puweding itago sa board members." Napaupo ako sa swivel chair ko. Tama si Kuya Ali, kung nagawa kong itago ang pagbaba ng sales namin, alam kong hindi ko maiitatago ang isang 'to. Malaking problema dahil tuluyan ng babagsak 'to pag hindi agad nagawan ng paraan.

****

Ilang ulit akong bumuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob. Naghihintay ang ilan sa board members. Natigilan ako nang mapansin si Tita Vina at Veronica, of course! Parte naman sila ng kunpanya. Ayaw ko husgahan sila pero, alam kong may kinalaman sila sa nangyayari. Gusto nila akong mahirapan habang wala si Caleb.

Malungkot kong sinulyapan ang asawa ko. Ganitong-ganito siguro ang nararamdaman ni Mr. Valeria nang unti-unting ninanakaw ang pinaghirapan niya, iyong konsensya na nararamdaman niya dahil sa mga tao na posibleng mawalan ng trabaho.

Wala pang dalawang linggo pero, nakuha na nilang kumuha ng gano'ng halaga. Tumikhim ako at pinaliwanag sa kanila ang problema ng kumpanya. Hindi ko 'to magagawang mag-isa, kailangan ko ang tulong nila para makabawi ang kumpanya at mahanap kung sino ang gumawa nito.

Katulad ng inaasahan ko, madami ang nagalit at nagreklamo.

"200 billion? Paano nangyari iyon? Ngayon lang nagka-problema ng ganito." Sabat ni Mr. Centivanez. Isa sa may pinaka-malaking shares sa kumpanya.

"I know-"

"200 billion is too much, .Mrs. Valeria." Sabat naman ni Tita Vina. Sumandal si Veronica sa upuan niya habang galit na nakatitig sa akin.

"I know that." Sagot ko kay tita.

"It's not her fault. Kaya nga tayo nandito ay para masolusyonan ang problemang 'to." Walang emosyon na saad ni Kuya Lance. Tumigil ang board members at muling tumingin sa akin.

"Do you have any plans?" Tanong nila sa akin. Tumingin muna ako sa kanilang lahat.

"Si caleb ang pinaka-magaling sa hacking. Alam niya kung sino at saan napunta ang pera. Pero dahil may mahalaga siyang inaasikaso sa Europe....I guess si Veronica muna ang gagawa ng mga naiwang trabaho ni Caleb. She's from Montessori too. An expert for this kind of problem, right?" Nanlaki ang mata ni Veronica.

"Why would I do that?!" Galit niyang tanong sa akin.

"Because I said so, Ms. Montessori. I'm still the CEO of this company. Gagawin mo kung ano ang sasabihin ko." Seryoso kong sabi. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Oliver. Si Kuya Ali naman ay nakangiting sumandal sa upuan niya.

Hinayaan ko silang saktan ako at isisi sa akin ang lahat pero, pagod na akong maging mahina sa kanilang mag-ina. Tutulong ako sa paghahanap kay Caleb, hindi ko naman makakalimutan ang pagtulong niya sa akin pero, iyong gagantihan nila ako at idamay ang mga taong nagtitiwala sa akin, hindi ko iyon papalampasin.

"You only have two option, Ms. Montessori." Sumandal ako sa swivel chair ko at tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Work with us or you'll going to leave this company." Inis niyang sinulyapan ang kapatid niya at ang ilan sa board members.

"Fine!" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What?" Tanong ko sa kaniya.

"I'll do it!" Inis niyang sabi bago tuluyang umalis. Padabog rin na sumunod sa kaniya si Tita.

That's good. Gawan niyo ng solusyon ang problema na kayo rin mismo ang gumawa. Gagawin ko rin ang lahat ara pagbayaran niyo ang ginawa niyo sa pamilya ni Rafael.


To be continued....

Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon