"Oh My Gosh!" Mabilis akong umatras nang biglang tumalsik ang matika habang nag p-preto ako ng hotdog at itlog.
"Do you really know how to cook?" Biglang sumulpot si Rafael sa likod ko. It's my 1st day here in his house. Mukha siyang luma sa labas pero, malinis naman at organize ang mga gamit sa loob.
"Marunong ako, okay? S-sadyang may water lang ata iyong mantika." Umikot ang mata ko nang marinig ang mahina niyang pagtawa.
"Is that so? Let me help you." Tatanggi na sana ako nang tumayo siya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko. He's hugging me from behind and placed his chin over my shoulder. "Baka nakalimutan mulang kung paano magluto talaga." Sarkastiko niyang dagdag.
"K-kaya ko naman." Ramdam ko ang pagdikit ng balat niya sa pisngi ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.
Mabuti nalang talaga at nakatalikod ako sa kaniya, hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong normal lang sa kaniya iyon dahil nga mag-asawa naman talaga kami pero, aminado akong apektado ako kahit sa simpleng pagdikit ng katawan niya sa akin.
"Done!" Nakangisi niyang sabi. Ngumiti lang din ako. Tanggal talaga angas ko sa kaniya, e. Iyong tipong kahit gusto kong magtaray, hindi ko magawa.
Tinulungan din niya akong maghanda ng pagkain at tinawag ang dalawa niyang kapatid.
"Good morning, baby!" Umupo ako para mapantayan ang nakaka-bata niyang kapatid. Nasa anim na taong gulang palang si Real, pero namana niya ang maganda niyang mga mata sa kuya niya.
"Good morning po, Ate Ceska!" Masigla na naman niyang bati. Sinulyapan ko si Reina, na kasalukuyang nakatingin sa akin.
"Good morning, Reina!" Thirteen years old palang si Reina. Mabuti nalang at mabilis ko silang nakasundo. After our wedding, we decided na sa private beach resort nalang kami ng mga magulang ko mag-stay for one week.
Well, we enjoyed our vacation there kahit sobrang busy pa rin ni Rafael. Naghahabol raw siya ng reports kaya iyong dalawa nalang niyang kapatid ang nakasama ko.
Madalas kaming magkuwentuhan and for the first time in my life, naging malaya ako. Iyong hindi ko kailangang mag-alala sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao.
"Bakit sa kanila may good morning?" Nakangusong tanong ni Rafael. Tinulungan niya akong tumayo at humarap sa kaniya.
"Hindi na kailangan. Alam ko namang maganda ang araw mo kapag ako ang nakikita mo." Pang-aasar ko sa kaniya.
Rafael has a heart shaped mouth and a smile that tilts up so slightly on the left side which makes it look like he is trying to conceal or control himself."Is that so? How about morning kiss?" Hindi pa rin inaalis ang ngisi sa labi niya. Sinulyapan niya ang dalawa niyang kapatid, na agad naman nilang nakuha ang gusto niyang sabihin. Halos sabay na tumalikod ang dalawa, hindi na ako nagulat nang humakbang palapit si Rafael at walang kahirap-hirap na yumuko para halikan ang labi ko.
"Good morning, Wife." Bulong niya nang maghiwalay ang labi namin. Mabilis akong nag-iwas ng mata. "Let's eat?" Nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan niya akong maupo.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, na kahit ginagawa naman niya iyon, hindi pa rin ako nasasanay. Malambing akong ngumiti sa magkapatid na halatang nang-aasar.
Tumikhim muna ako at sinulyapan si Rafael, "I'm going to visit my mom, are you coming with me?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.
"Of course! She's my mom too." Nakangisi niyang sagot. Sumimangot ako at nagpatuloy nalang din sa pagkain.
Magiging abala kasi ako bukas, may board meeting at balak ko rin ipakilala si Rafael. Alam kong hindi naniniwala ang mga pinsan ko pero, may tiwala ako sa sinabi ni Rafael, maniniwala sila kung natural lang ang ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)
RomanceFrancesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung...