Chapter 39

1.8K 21 12
                                    


Madami pa kaming napag-usapan ni Caleb but, Kuya Ali told me that he needs to rest. Hindi rin kasi maganda ang nangyaring aksidente sa kaniya. Nasabi niya sa akin kung bakit bigla siyang nawala ng gabing iyon. Madulas ang daan ng gabing iyon kaya hindi niya naiwasan na mahulog.

Nahulog siya at nawalan ng malay. Nagawa naman niyang kumilos at humingi ng tulong but, that's the last he can remember. Nagkaroon siya ng amnesia na naging dahilan kung bakit hindi siya nakabalik sa amin.

Is it possible din pala 'no? Ngayong bumalik na naman siya ay hindi niya maalala kung sino ang nag-alaga at saan siya nakatira ng mga nakaraang taon. Sinabi naman ng doktor na temporary lang ang amnesia dahil tumama ulit ang ulo niya sa nangyaring aksidente sa kaniya nung isang araw.

Mabuti nga at walang nangyari sa kaniyang masama.

"Salamat, Kuya Ali." I said before leaving his car. Hinatid niya muna ako kay Annaliese dahil wala akong balak na umuwe ng mansyon. It's been years na rin. Balak ko naman na bumisita ro'n siguro kapag okay na si Mommy.

"Hindi ka ba pinahirapan ng anak ko?" Tanong ko kay Anna, nang makapasok ako sa loob ng bahay. Mukhang tulog si Shione dahil hindi niya ito kasama.

"Kailan ba ako pinahirapan nun? Girl, bakit hindi ka nalang bumalik rito sa Manila? Para naman masanay si Shione sa pamumuhay rito." Pabagsak akong naupo sa tabi ni Anna. At sumandal sa balikat niya.

"Saka na siguro kapag may maghahandle ng negosyo sa Villa. Isa pa, mas maganda ang buhay ro'n. Hindi magulo at maingay." Mahina siyang tumawa.

"Ang layo naman kasi do'n, e. Isa pa, mas madaming opportunity rito si Shione. Hindi naman sa pinangungunahan kita pero, feeling ko ay matagal ng naghihingay sa 'yo ang iniwan mong position." Umupo ako ng maayos at tumingin dito.

"But, I love what I'm doing right now. Magulo ang kumpanya, Anna. Lalo na ngayon na bumalik si Caleb." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"How about partnership with them? Kilala na rin naman ang Villa mo? Kaunti na nga lang ay magiging malaking resort na iyon, e. Madami ang gustong magbakasyon do'n and I'm sure na mas makikilala ang Tan's Corporation. Hindi lang sa mayaman kung hindi pati na rin sa mga middle class." Napangiti ako sa naging sagot niya. Affordable naman kasi masyado ang Villa. Hindi man milyon ang kinikita ko ro'n buwan-buwan ay masaya na ako. Lalo na kapag nakikita ko kung gaano kasaya ang bawat pamilyang nagbabakasyon do'n.

"Pag-iisipan ko. Siguro kung partnership, puwede pa. Pero, ayaw ko rin kasi na pangunahan nila ako masyado. S'yempre masyadong classy ang mga hotel ng Tan, in short sobrang mahal kaya ayaw kong baguhin ang nakasanayan ng mga naging costumer ko." Marahan siyang tumango sa akin. Mukhang nakuha na niya ang gusto ko.

Katulad ng sabi ko gusto kong gumawa ng sariling pangalan at negosyo. Iyong walang magiging kaagaw ang anak ko dahil naranasan ko iyong gano'n. Ang mabuhay sa competition, walang maayos na tulog, hindi puweding nag party dahil lagi kong kailangang patunayan ang sarili ko.

And I don't want my daughter to experience that. Gusto kong mag-enjoy muna siya sa buhay niya, pero tuturuan ko rin siyang maging matatag para kahit papaano ay hindi siya abusuhin ng ibang tao.

"Kung sa bagay. Anyway, how's Caleb?" May lungkot sa mata ni Annaliese. I don't know why? May mga narinig ako dati na nagkaroon sila ng relasyon ni Caleb bago siya nawala. But, I think it just a rumors. Wala naman nababanggit sa akin si Annaliese. Isa pa, ayaw ko rin na isipin niyang nakikialam ako sa buhay niya.

Handa naman akong makinig kapag handa siyang magkuwento sa akin. Pero, ayaw ko rin maging insensitive o pangunahan siya. Siguro ayaw niya lang talagang pag-usapan ang kung anuman ang namagitan sa kanila.

Wondering What Went Wrong - Career Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon