CHAPTER 2
SEPHANIA'S POV.
"Sino kaya siya?"
"Ang ganda naman niya. Ang puti-puti tapos ang kinis ng mukha."
"Oy! Tao, wag mong pagnasaan 'yan---tsaka nakita ko nalang silang dalawa ni Kai na nakahiga sa batuhan doon sa bangin, pareho silang nawalan ng malay."
"Nako chen, sigurado ka ba? Ano kaya sa tingin niyo ginagawa nila?"
"Baka girlfriend niya 'to? Hindi niya lang sinasabi satin?"
"Imposible. Si kai, may girlfriend? Baka naman natutulog lang sila?"
"Hindi ko alam tsaka sino namang timang na taong matutulog sa batuhan na yon?"
"Si kai at itong babaeng maganda?"
"Ano ba Tao, mag-isip ka nga. Si Kai, hindi malapitin sa babae, himala na nga kung may babae siyang kinakausap, yayakapin pa kaya at matutulog sa batuhan?"
"Isa ka rin Sehun eh. Hindi nga basta-basta lang silang natutulog lang doon. Kitang-kita ko, iba ang hitsura nila. Tingin niyo trip lang nilang matulog doon?"
"Oo?"
"HAIST! Ewan ko nga sa inyo, tingnan niyo nalang kaya si Kai at Mama suho roon sa kwarto nila baka gising na 'yon at masagot pa niya ang mga tanong natin."
"Oo na, Chen-chen!"
Napahawak ako sa sentido ng ulo ko.
Ano ba 'to? Ang aga-aga, nagdadaldalan sa harap ko. Tsaka sino ba 'tong mga 'to? Ito na ba iyong Lucas? Ang dami naman ata nilang Lucas. Napalitan na ba ng mga lalaki ang mga maids namin, tsaka...
Napamulat ako ng mata sabay upo sa kama, nauntog tuloy ako sa mukha ng isang lalaki.
"Aray ko!" inda ng lalaki.
Napahawak ako sa noo ko. Masakit siya pero hindi ko na muna to po-problemahin. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Una, hindi ito ang kwarto ko. Pangalawa, hindi ko kilala 'tong mga lalaki sa paligid ko. Pangatlo, baka nasa langit na ako?"Halaa gising na siyaaaa!"
"Waaa! Tawagin mo si Mama Suho!"
"EEhh ikaw na--- Ang ganda niya no?"
"Tss! Ang ingay niyo."
"Miss, okay ka lang ba?"
Mukhang hinintay nila ang sasabihin ko, tiningnan ko silang lahat na nakapaligid sakin.
"N-Nasa.... langit na ba ako?"
Napanganga silang lahat sa sinabi ko.
Nasa langit na ba ako? Ang alam ko magpapakamatay ata ako, tumalon ako sa mataas na bato pero may humawak na lalaki sa bewang ko at... naalala ko bigla!