[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE ^_^]
[A/NS: HELLO! DAHIL MABAGAL MAG UPDATE ANG LOLA NYO, ITONG CHAPTER NA TO EH DALAWANG CHAPTER NA PINAGSAMA KO NA PARA... WALA LANG FEEL KO LANG HEHE. DEDICATED TO YOU, THE ONE WHO'S CURRENTLY READING THIS CHAPTER. MUAH!! HAPPY BIRTHDAY DO KYUNG SOO. MAMA KYUNG. HEHEHE. BW KO PO SYA. OK ENJOY READING!]
Seph's POV.
"Sehun, dito mo ilagay yang sofa para maiba naman." Utos ni mama suho kay sehun.
"Bakit ako nanaman? Si tao naman, para may pakinabang naman yung pagkukung-fu kung-fu nya." Pagiinarte ni sehun. Walangya tong bratinelang to.
"Luh? Dinamay mo pa ko sa katamaran mo. Hello? Nagaalis kaya ako dito ng mga agiw." Sabi naman ni tao habang nag aagiw ng kisame.
"Alam mo sehun, kesa mag reklamo ka dyan sundin mo nalang si mama suho at baka isumbong kita kay mama kyung." tinuro ni chanyeol si mama kyung na nasa kusina habang iniiba ng mga pwesto yung mga mahal na mahal nyang mga utensils. Tss minsan nagseselos narin akon sa sandok namin eh.
"Mama kyung, ako nalang maglilipat nyan tutal manly naman ako eh. Diba sese?" Kumindat pa si kuya luhan kay sehun. Kakagaling nya lang kasi sa kwarto nila na mukhang kakatapos nya lang maglinis duon. Porn to aba pfft.
"Kaya sayo ako lulu eh. Galing mo talaga manly lulu." Sabi ni sehun habang tinatapik sa balikat si kuya luhan.
"Kaya namimihasa eh. Oh ano na gagawin nyan?" Reklamo naman nung isang panget na nililipat yung Old hag TV sa ibang pwesto.
"Wala na. Pagod na ako e." Sabi ni sehun.
"Aba, hoy?! Sinswerte ka ata?" Singit naman ni baekhyun na kakarating lang galing ng bakuran. Siya nakatoka mag ayos duon eh.
"Parang ganon na ng---Arayyy! Lulu oh. Si Kai." Sumbong ni sehun matapos syang batuhin ng christmas ball na ewan ko kung saan nya napulot.
"Shhhh. Oks lang yan sese. Hipan ko nalang, san ba masakit?" Tanong ni kuya luhan habang hinihipan yung parte ng ulo ni sehun na binato ni kai. "Dito lulu huhuhu." Ay letse, nakakaalibadlad tong dalawang to.
"Sehun!" Narinig naming tawag ni dada kris mula sa labas ng bahay na tingin ko eh nagaayos ng gate naming gawa sa kahoy. Marami na kasing anay kaya papalitan na.
"Yess?!" Sigaw din ni sehun pabalik.
"I need your help here."
"Haa?! Bakit akooo!? Si tao nalanggg!"
"Luh?" -Tao
"Complain and i'll break your legs."
Napagitil si sehun sa pag iinarte at wala pang limang sigundo nakalabas na agad sya ng bahay. Si dada kris pa ba?
