NOTE": HELLO COMMONERSSSS! AYAN AH! NAGUPDATE NA AGAD AKO! ACTUALLY DALAWANG CHAPTER NA TO PINAGSAMA KO LANG AS GIFT KO SA INYO FOR NEW YEAR. HIHIHI. NAWAY MAGVOTE AT MAGCOMMENT KAYO TT^TT.
Chapter 49
Seph's POV
"Chanyeol ano ba!!!" singhal ko kay Chanyeol.
"Ehh sandali! Hindi kasi ako makaalis sa Stage 4!!!" Singhal niya rin pabalik. Aba't pisting monggoloid na to, ginagalit talaga ako!
"Kung gusto mo, mag download ka niyan sa Phone mo!!! Akin na nga! Malolowbat na yan!!!" Pinilit ko pa ring agawin yung phone ko sakanya kaso nilalayo niya talaga. Argh huhuhu! "Akin naaaaaa!!!" sigaw ko. Tinapat ko pa yung bibig ko sa tenga niyang ubod ng laki. Bwisit!
"Ano ka ba naman Siph, pinapaiyak mo naman si Chanyeol eh." Sabat ni Kuya Luhan, "Alam mo namang hindi Android phone yung kanya."
Oo nga pala...
Tinulak ko nalang si Chanyeol. "Ewan ko sayo! Pag nalowbat yan, ipapkain ko sayo yan."
"Ehhh bait talaga ni Seph, kaya labs na labs kita ehh." Paglalambing naman nito. Kingina, budoy! Pfft.
"Labs mo mukha mo." Pagsusungit ko.
Hays ayoko lang talagang pamihasain tong lalaking to baka kasi maadik siya at hindi na niya ibalik sakin yung phone ko. Letse, naadik na din ako sa larong Tekken, kaya ramdam na ramdam ko yung nararamdaman niya ngayon. Ang kaso hanggang Stage 3 lang ako. Di na ako makaalis, kung mangyari man eh hanggang Stage 4 lang din.
"ARGHHH!!!"
Ay uwak!!
Napatalon kami ni Kuya Luhan sa biglaang pagsigaw ni Chanyeol. Sunod non eh nagpagulong gulong siya sa upuan. "Waaaaa nakakainis!!! Hindi ako makaalis sa Stage 4 bakit ganoooon? Huhuhu!"
-______-
"Sige pag nabitawan mo yang Phone ko, iihawin ko talaga yang tenga mo." Warning ko. baka kasi mamaya maisipan niyang itapon sa sobrang asar niya.
"Ba't ko naman gagawin yon? Duhhh." Sagot niya tapos nakita kong nagplay again siya. Bwisit. -_-
"Kuya Luhan, bakit di ka pa naliligo?" Tanong ko kay Kuya Luhan na tahimik lang na nununuod sa tabi ni Chanyeol. Shit ang kyot niya. *__*
Nandito kasi kami sa Cottage. Yung iba eh, as usual, nasa tubig na nagtatampisaw. Si Mama Kyung at Mama Suho naman, busy sa pag iihaw ng kung ano-ano, may sarili silang mundo eh, lalo na si Mama Kyung feel na feel. Biruin mo nakangiti pa yan habang nagpapaypay ng inihaw na bangus.
"Bakit Seph?" Sinagot naman niya ako ng patanong din. Tapos inamoy amoy niya yung sarili niiya. Nagtakha naman ako sa ginagawa niya. "Mabaho na ba ako? Grabe naman, kakaligo ko lang kaninang umaga." ayon ngumuso siya ng bongga.