Chapter 50
Seph's POV
"Seph! Kai!"
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang may nilalang na sumira nito at grabe kung maka-alog sa buong katawang lupa ko.
"Gising na kasi kayo! Susko naman!"
Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang mukha ni Tao. Tinignan ko din ang paligid at napagtanto kong nasa gilid pala kami ng dagat. Anyare?
"Buti naman at nagising ka na." Pag-irap ni Tao tsaka dinaluhan si Kai na natutulog pa rin. "KAI! GISING NA!"
"Fuck, Tao! Narinig ko!" Inis nitong singhal at mabilis na bumangon sa pagkakahiga. Ako naman eh bumangon na rin.
Ugh! Headache! T.T
"Sus! Narinig daw. Tumayo na kayo dyan, pasalamat pa nga kayo ginising ko kayo." Sabi nito at padabog na naglakad palayo. Pauwi ata sa hotel. Asan yung iba? Mukhang nauna na ata.
"Tss." Pagtataray ni Kai. "Yow!" Rinig kong bati niya sakin. Tinignan ko naman sya at nakitang ngumingiti ito ng alanganin. "Good morning."
Ngumiti rin ako ngunit ramdam parin ang pagkirot ng ulo ko.
"Good Morning. Tara?" Pag-aaya ko sakanya na agad naman nyang sinunod. Habang naglalakad kami eh pareho kaming walang imik dalawa. Lutang pa ata dahil sa hangover. Ganon ba karami yung nainom ko kagabi? Bakit sobrang sakit ng ulo ko? T.T
Habang naglalakad, biglang may sumagi sa isip ko dahilan ng paghinto ko. At dahil hawak ni Kai yung kamay ko, napahinto rin sya sa paglalakad saka ako tinanong ng, "Why?"
Tinignan ko sya ng maigi dahil kaunti nalang lilitaw na sa ala-ala ko yung isang eksena kagabi na pilit inaalala ng utak ko.
"Kai... I don't wanna leave."
Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig sa buong katawan ko dahilan ng paggising ng buong diwa ko. Holy carabao! Sinabi ko ba talaga yon?!
"Hoy? Anong nangyayari sayo? Does your head hurt?"
Tinignan ko sa mga mata si Kai. Parang gusto kong sambunutan sarili ko dahil sinabi ko yon kagabi! Jusko talaga! Bibigyan ko pa ng paghihinala si Kai eh!
"Hoy, babae?" Rinig ko ang bagot na tono ni Kai. Kalma, Seph! Kalma!
"U-uhmm... Kai...?" Tawag ko sakanya. Yung magkabilag dulo ng mga hintuturo ko ay pinagdidikit ko na dahil nahihirapan akong humanap ng pagkakataong itanong 'to sa kanya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at tinignan ako ng mapungay. "May... May naalala ka ba kagabi?"
Pumikit ako ng mariin at hinintay ang nakaka-kabang sagot niya, hanggang sa...
"Hmm... Meron naman..." sagot nito at pawang nagiisip pa ng malalim tungkol sa nangyari kagabi. "Mula sa pagiinom natin... Hangang sa magyaya kang maglakad... Hanggang sa..."
Nagtakha ako nung matigil sya sa pagre-reminisce tapos nagmistulang kamatis sa pula yung pisngi niya. Whaaaaat? Spill it already.
"Then we kissed..." Dahan dahan niya pang sinabi yon. Pfft.