PAALALA 101: ANG CHAPTER NA ITO AY PUNONG PUNO NG MALUNGKOT NA EMOSYON. HINDI KA PWEDENG TUMAWA. KILIGIN, PWEDE PA HEHE. AND I DEDICATE THIS CHAPPY TO Shantipotz1016. Hello be :) Thanks for all the support! :* Muuah! EXO yung gif sa taas!
Chapter 42
Seph's POV
Ang sakit.
Ang sakit niya makitang nakaratay sa kama ng ospital, habang may nakakabit na dextrose at ano kung ano-ano pa sa katawan niya.
Hindi ko rin akalain eh.
Parang kanina lang, kasama namin siya maglaro, mag-play sa stage. Parang kanina lang masaya pa kami. Parang kanina lang, umamin siya sakin tungkol sa nararamdaman nya.
Pero ngayon, makikita namin siyang walang malay. Nakahiga at nakasuot ng Hospital gown. Mabigat ang paghinga at namumutla.
Masakit.
Yung nakilala kong Mama Kyung na kahit hindi palangiti, eh alam mong maayos at masaya naman. Kahit tahimik eh may tinatagong lakas sa katawan.
Yung taga-luto namin ng pagkain sa araw-araw, nahihirapan ng ganito?
"Magiging ayos rin ang lahat, Seph." Naramdaman ko ang kamay ni Mama Suho sa balikat ko, "Wag kang mag-alala."
Ngumiti parin ako kahit masakit, "Sana. Sana nga," tumingin ako kay Mama Kyung at diniinan ko ang paghawak sa kamay nya. "Sana magising na siya."
"Magigising din yan. Mag no-noche buena na oh," sumulyap si Chanyeol sa orasang naka-kabit sa pader ng kwarto. "Malapit na."
Nandito kaming lahat sa kwarto kung saan nakacharge si Mama Kyung. May isa lang na nawawala. Si Panget. Wala siya dito.
"Umiiyak ka ba, Tao?" Xiumin
Napatingin kami kay Tao na tahimik sa lang sa gilid.
"Di ah! Sinisipon lang ako!" Tao
Kahit ano namang tago nila, alam kong umiiyak rin sila ng palihim. Pinipilit lang nilang maging normal ang paligid para makabawas ng dark aura. Pero kahit anong cheer nila. Wala paring nangyayari.
"Totoo ba talaga?" Chen
"Ang alin?"
"Na...yung...sakit ni Mama Kyung... Totoo ba?" Chen
"That was the doctor's said. It's painful but we have to accept it. There's a solutions anyways, don't you worry." Dada Kris
