[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE]
Happy 5k reads mga bb~ Huhuhu maraming salamat sa mga sumusuporta. Huhuhu. Iloveyou commoners! Wag nyo ko iiwan aaa! Hanggang huliiii. Kekeke! :**
Chapter 35
Seph's POV
Una...
Yung may kausap si Kai sa cellphone may tinawag syang baby at mommy nun.
Pangalawa naman..
Nakita ko siya kanina na may kasamang babae.
Pangatlo...
Hindi ko naman maintindihan sarili ko, kung bakit kailangan ko pang isipin yun? Bakit ba ganito nalang akong mag react? Bakit parang di ako mapakali at parang gusto kong tanungin si Kai tungkol dun?
Waaaaa!
Wag mo na nga isipin yun Seph! Eh ano naman kung may anak na nga siya? Ano naman kung may kasama syang babae kanina?
Psh! Masyado akong nagpa-paapekto. Duh!
Teka...
Di ba pwedeng curious lang ako? Kasi PAMILYA nga kami, di ba? Hmp! Kung ano-ano kasi ini-isip nyo dyan.
"Seph! Seph! Halika dito." nabalik naman ako sa huwisyo ko nung marinig kong tinatawag ako ni Chen. Nasa sahig siya ngayon at nagbabalasa siya ng mga baraha.
"Baket?" Umupo naman din ako sa sahig. Nandito kaming lahat ngayon sa salas. Bago pa kasi mag 7:00, hinatid na ako ni Jenard dito sa bahay. Psh! Maduya tong si Kai, pasabi-sabi pa siyang umuwi agad ako, eh siya nga 'tong wala pa hanggan ngayon. Talksht talaga yun. 9 PM na wala pa ang kumag. Unfair.
"Ma-magic-an kita nito." Sabi naman ni Chen. Nalipat naman din yung mga atensyon nung sampo kaya nakitabi na rin sila samin.
"Magic? Totoo ba yan? Weh?"
"Oo nga. Oh ito, pumili ka dito. Isa lang ah." Pinapili naman nya ako ng baraha. Syempre pumili agad ako. "Hep! Hep! Wag mo papakita sakin yan."
"Okay." Sinilip ko yung nabunot ko at nakitingin din naman yung iba. King spade? Wow. Parang total naming 13. Hehehe.
"Ibalik mo ulit dito," pinasiksik naman nya yung card ko sa gitna. "Panuorin mo ah. Ibabalik ko ulit yung card mo."
"Weh?" Sila yan.
"Oo nga, gusto nyo ibalasa ko pa ng maraming beses eh." Pagmamayabang ni Chen. Sinimulan na nyang ibalasa yung mga cards. Grabe, nakasampong beses ata siya nun kaya naexcite naman ako. Imposible na nyang mahanap yun?
"Teka, ako naman magbabalasa para sure." Boluntaryo naman ni Sehun at binalasa pa ulit ng maraming beses yung mga cards.
"Ang ganda ng tunog kekeke." Tao
-_____-
Pati ba naman sound ng pagbalasa, trip nya. Buang.
"Sound trip. Hahaha." Sabi naman ni Baekhyun habang sumasayaw pa, sinasabayan nya yung beat ng pagbalasa ni Sehun. Eto namang si Sehun feel na feel na at hindi na tinigil yung ginagawa. Mga siraulo talaga.