CH-11 M-mom?

287 34 0
                                    

[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE ^_^]


CHAPTER 11


SEPH's POV.



"Seph, palit na daw tayong pwesto. Ako na muna dyan sa counter mo, ikaw muna daw duon sa section ko." Lina



"Ha? Osige" agad kong niligpit ang mga bagay-bagay ko saka pumunta sa pwesto ni lina. Magbabantay ako ngayon ng mga groceries. Ibig sabihin, sales lady ang drama ko ngayon.



Oh-kayy. Not bad!


Agad-agad kong sinalubong yung costumer para naman i-assist sa mga kailangan nya, like whatsoever.


Nagayos-ayos lang ako ng mga products na nagulo nang may batang babae na nasa edad 8-9 na nagkakalikot ng mga products malapit sa pwesto ko. Nakita ko na sya ah, kelan ba yon?


Napansin kong tumitingin-tingin lang sya sa paligid tapos nung may narinig syang boses naging aware sya bigla at sumuot sa loob mismo sa lagayan ng mga groceries.


O__________O


Nako nagulo tuloy. Mukhang may tinataguan sya.


"Piaaaaa! Nako ka talaga.. Pag nakita talaga kita!" nakita ko si Tao na biglang sumulpot sa section ko.



Mukhang alam ko na ang nagyayare -__-



"Seph? Nandito ka pala? Nakipagpalit sayo si lina no?"


"Ahh oo eh, ikaw? sinong hinahanap mo?"


"Ahh oo nga pala, si Pia nakita mo ba? Yung batang nasalubong natin nung nakaraang araw? Nakita mo ba?" napatingin ako duon sa tinataguan nung pia, so sya nga yung pia?


Nahalata naman ni Tao kung saan ako nakatingin kaya na-gets nya agad kung anong tinutukoy ko.


"Sshhh dyan ka lang seph ah? Wag kang maingay." dahan-dahan siyang lumapit duon sa pinagtataguan ni Pia at agad nya itong ginulat.


"BOOOOO! Aha andyan ka lang pala. Sabi ko naman sayong wag kang maglalaro dito baka pagalitan tayo ni manager! Haist tara na nga!" Tao

The Group of 12 Hot CommonersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon