[AYAN! DAHIL TAPOS NA ANG CONCERT NG EXO DITO SATIN, WALA NA AKONG POPROBLEMAHIN AT BAKA TULOY TULOY NA ANG UPDATE KO HEHE! BAKA TWICE A WEEK O ONCE A WEEK!? BASTA! HEHE BASAHIN NYO HANGGANG DULO AH? MAY IKEKWENTO AKO SAINYO HUHUHU!]
[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE ^_^]
Chapter 26
Seph's POV
Minsan talaga ang buhay hindi mo maintindihan lalo na kapag sarado ang utak mong umintindi. Maraming panget na mga bagay ang pwedeng mangyare kapag hindi mo dinadaan sa tamang pag-iisip ng ang bawat pangyayari. Kung ako ang tatanungin, hindi naman mahirap intindihin ang bagay basta't marunong ka lang mag-isip sa buhay. Natutunan ko yan kay mama suho, lupet nya no?
Wala naisip ko lang yan bigla, baka kasi marami sa inyo ang naguguluhan sa mga nangyayari sa paligid nyo ngayon hahahaha. Tsaka puyat ako kaya medyo sabog ako ng onti.
Natauhan nalang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Si mama suho pala.
"Hello ma?"
[Seph, naalala ko bigla. Wag mong kalimutang bumili ng pamatay sa ipis na pwede rin sa daga bago kayo umuwi ni Kai ah?]
"Ha? Ano pangalan?"
[Nalimutan ko eh hehehe.]
"Eh paano ako bibili?" Adik to si mama suho.
[Basta sabihin mo, yung pang lason sa ipis. Parang chalk yun.]
"Aish okay sige."
[Hehe bye.]
"Bye." Pinatay ko na yung tawag. Hay nagtataka kayo kung bakit nagpapabili si mama suho nun no? Ganito kasi yon, kwento ko sa inyo nangyare kagabi habang wala pang costumer.
*Flashback*
Nasa gitna ako ng mahimbing na pagkakatulog nang maalimpungatan ako. May naramdaman kasi akong something sa paa ko. Ah baka guni-guni ko lang siguro? Nagkumot nalang ako mula bewang hanggang paa at bumalik sa pagtulog.