[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE. Pftt si Chanyeol!]
VOTE VOTE VOTE! I LOVE YOU COMMONERS! :**
Chapter 34
Seph's POV.
"A-ah!" Napangiwi ako ng maramdaman kong unti-unti nang bumibigat ang puson ko. Sumasakit na siya. Ano ba naman 'to. Bakit naman ngayon pa 'to umatake! Kung kelan nasa ibang bahay ako at bumabagyo pa. Sht! Parang gusto ko nalang humiga forever eh, kaso...
Walang palang forever.
Pftt. Tae ka naman, Seph oh! May constipation ka na nga nagagawa mo pang humugot dyan!
Di pa nga ako makaget-over sa narinig kong sinabi ni Kai kagabe. Yung I love you, Baby at yung Mommy thingy nya. Tsk! Bakit ba pinoproblema ko pa yung tungkol dun? Ano namang magagawa ko kung totoo nga ang hinala ko? Na... aish! Change topic na nga.
Umaga palang gumising na kami, yung iba nagpresinta pang maglinis ng bahay para naman daw kahit papaano masuklian naman namin ang pa-gstay dito. Nung una hindi pa pumapayag yung mag-asawa pero dahil mapilit ang parents namin (pftt sila mama kyung, mama suho at dada kris, I mean.) wala din silang nagawa.
"Seph, nararamdaman mo na ba ang sakit?" Nagulat naman ako nung sumulpot si mama kyung bigla sa harap ko, galing kasi ako ng Cr. Medyo ngumiwi ako nun at tumango na rin. Hindi ko na ipagkakaila, masakit na talaga e huhuhu. "Maupo ka nalang muna, Seph." Nag-aalala na nun si mama kyung, kaya naman di ko mapigilang kiligin sa inaasta nya. Syet lang, kung yung crush mo ganito ka-concern sayo? Hindi ka ba kikiligin?
"Mabuti pa nga, mama kyung. Salamat." Nakaalalay lang sya sa gilid ko nun hanggang sa makarating ako sa upuan sa salas. Nakita ko pa nga si Chanyeol na tulala sa bintana eh. Ano namang problema nun? Emote-emote din?
"Oy Tao! Sehun! Sabi ng wag kayong labas-pasok, dahil pumupunta dito sa loob yung putik! Kayo kaya maglinis dito?! Ano?" High blood na yang sina Xiumin at Chen kanina pa. Paano ba naman kasi, yung dalawang isip bata kanina pa labas ng labas eh yung mga putik nadadala nila dito sa loob. Kakalinis lang nila ng bahay.
"Hehehe, bumili lang kami ng Choco-choco sa labas." Tao
"Hindi na mauulit~!" Sehun
Nasan yung iba? Ba malay ko, wag nyo ng hanapin dahil susulpot at susulpot parin yung mga yun maya-maya lang. Nakikita ko lang dito si Xiumin at Chen na naglalampaso ulit ng sahig, si Kai na nanunuod ng T.V, kapal din nitong isang 'to e no? Feeling nasa bahay lang, ganon?
Ta's si Chanyeol na hanggang ngayon tulala parin habang nakadungaw sa bintana, medyo nakapagpataka dahil iba ang aura nya ngayon, not the typical chanyeol na bubudoy-budoy.
Ta's si Mama kyung nawala na rin, malamang nasa kusina na yun at nakikipag kaibigan na sa mga bago nyang friends na sandok at kaldero. Wala na rin yung dalawang isip-bata."O-ouch..." napangiwi nanaman ako nun nung sinubukan kong sumandal sa upuan at bigla sumakit ulit yung puson ko.
Napansin ata ako ni Kai dahil malapit lang naman kami sa isa't isa. "Constipation, I guess?"
Oh di sya na manghuhula! Tumango lang ako nun. Wala ako sa mood magsalita. Wala rin ako sa mood gumalaw. Tumayo nun bigla si Kai at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Baket? "Uy san punta?" Tinanong ko yun dahil hindi ko rin alam kung bakit.
"Tss. I'm gonna buy you a medicine and..." tumigil sya saglit, "Do you still have some supply of... that?"
Nag-init naman bigla yung mukha ko nun. Langya men! Bakit parang di pa sya naiilang na tanongin ako nun? Although nakalagay yung isang kamay na sa likod ng ulo nya, constant parin ang ekspression na.