//After a very very looong time! Nag update rin hehe (but a very short update huhu). Tatapusin ko na to. Sana may nagbabasa pa. Comment please :(
Chapter 54
Siguro wala nang mas isasakit pa sa pag-iwan mo sa mga taong mahal mo nang walang maayos na pagpapaalam. Habang buhay ko na atang didibdibin 'to. Kapag inaalala ko ang mga reaksyon nila kagabi parang pinipiga ng husto ang puso. 'Iyong sinabi ni Kai kagabi bago ako kami bumalik ng resort at tuluyang putulin ang koneksyon na kung anong meron sa amin... wala nang mas masasakit pa 'don.
Sana namatay nalang ako.
Halos mapunit ko ang punda ng unan ko sa bigat ng nararamdaman. Gusto kong umiyak ngayon pero napagod na ata siguro dahil kagabi.
"Miss Maiyen, mag-breakfast na po kayo..."
Narinig ko sa labas ang pamilyar na boses ng katulong namin. Noon palang araw-araw ginagawa na niya ang gisingin ako sa umaga para mag-almusal. Parang ang tagal ng panahon bago ko ulit narinig iyon. Doon lang nag-sink in sa utak ko na nakabalik na ako sa impyernong bahay na 'to.
"Susunod na ako."
"O-Okay po... uhmm..."
"Why?" napansin kong parang may gusto pa siyang sabihin.
"Naroon na po kasi si Don Montenegro sa baba..."
Tss.
"Tapos?" tumikhim ako para alisin ang nakabara sa lalamunan. Ano naman kung nasa baba si Dad? He wants me to have breakfast with him? Tch.
"H-Hihintayin ka raw po niyang bumaba, mag--"
"Bababa ako maya-maya. Leave me now please," walang emosyong wika ko.
Naghilamos muna ako at naghanda para bumaba. Tanaw ko mula rito sa hagdan ang isang matandang nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. Hawak-hawak ang diyaryo kaya hindi napansin ang pagdating ko.
Tahimik akong umupo sa kabilang gulo ng lamesa. May nakahanda na agad na pagkain para sa akin, tinanggal lang ng isang katulong ang takip at nilagyan ng tubig ang aking baso.
"Good morning, hija," binaba ni Dad ang kanyang diyaryo nang mapansin niya na ako sa wakas.
Halos umirap akong ng 360 degrees dahil don. Tumango lang ako at nagsimula nang kumain. Where's mom anyway?
"Your mom is out for her usual morning agenda, if you're looking for her," he smirked. Napansin niya kasing parang may hinahanap ako sa paligid.
Mataray lang akong tumango at nagpatuloy na sa pagkain. Typical salami, eggs and rice ang kinakain ko ngayon, what wealthy people eats in the morning. Parang hinahanap ng dila ako ang sinangag na kanin na may hotdog at itlog.
Hays. Kamusta kaya ang dose sa bahay? Nakauwi kaya sila ng maayos? Binilin ko sila sa magkambal kagabi na huwag pabayaan at ihatid pauwi.
"Seems you finally found your way back to your proper self, Sephania. I'm very glad for you."
I gritted my teeth. Magtimpi ka, Seph, wag mo hayaang sirain niya pa lalo ang umaga mo. Hindi ako nagsalita. Nagkunwari akong walang narinig. Back to my proper self? Ang sabihin niya, back to my sunod-sunurang self!
"Hindi maganda ang nakikipag-salamuha ka sa mga ganoong antas. Madudumi. Napapakain ka ba nila ng maayos?"
Still, I didn't answer him. Pero palihim ko na siyang sinasakal sa isip ko. I know, masama iyon dahil Ama ko pa rin siya, pero for now let me kill him in my mind to help me find atleast a little bit of peace in life!