CHAPTER 3
SEPH'S POV
"Saan ka ba talaga nakatira? Sino ang pamilya mo? Ang sabi mo may kaibigan ka? Sino sila? Asan sila? At bakit parang galit na galit ka sa Dad mo kahapon?"
Sunod na sunod na tanong nung suho. Halata nga sakanyang mahinahon at open minded siya. Ang sabi niya siya raw ang guardian nilang lahat.
Well, mukha naman.
"Ano ba roon sa mga tanong mo ang una kong sasagutin?" Tsk! Ang aga-aga ginugulo nila ako.
Pasalamat sila at nakikitira palang ako, wala pa akong trabahong makukuha nito. Oo nakapagtapos ako pero ito namang ama ko hindi pa ako pinagtatrabaho. Ang sabi niya hinahanda raw niya ako para sa pagiging one of the board members ng kumpanya--- which is ayoko, pero wala akong magagawa iyon ang natapos ko.
"Mama, isa-isa lang kasi!" Tao
"Okay! Una, saan ka nakatira?"
TSK! "Sa impyerno nga!"
Ayokong sabihin baka kasi tumaas ang tyansang mag-iba ang treament nila sakin once na nakilala nila kung sino ang mga magulang ko at saan ako nakatira.
"Talaga? Imyerno talaga? Ibig sabihin nakita mo na si Satanas?" sehun
Argh!
"Yes, probably he's my dad," napaka-gullible nila para maniwala sa sinasabi ko. -__-
"Talaga? May anak palang babae si Satanas?"
-_____-
"Ibig sabihin mainit doon?" tao
OMG! THEY ARE IMPOSSIBLE.
"Oo! Ano pa ba?!" naiinis kong tugon. Naiirita na ako ah, palayo na nang palayo ang usapan. Akala ko ba iinterview-hin nila ako?
"Mabenta rin ba yelo ron? Dito kasi samin maraming bumibili ng yelo, mainit din daw kasi." Xiumin
Napabuntong hininga nalang ako. I cant believe them.
"Tumahimik na nga lang kayo? Pwede?" sabi nung kris. Kanina pa yan, ang sungit-sungit.
"Okay seph, mukhang ayaw mo sabihin kung saan ka nakatira kaya hindi ka na namin pipilitin, pero sino ba ang mga magulang mo?"
"Ang dad at ang mom ko," I sarcastically said. Pwede ba iba naman itanong nila?
"Anong pangalan?" Baek
"Wala silang pangalan."
"Hala paano nangyare yon?" Tao
"Ihahanda ko na muna yung tanghalian." Tumayo yung D.O sabay punta sa kusina.
