[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE ^_^]
Dedicated to all of you :*
[Eto na! Hey, alam nyo bang namomroblema ako sa dadating na EXO'LUXION sa Jan 23? WAAA. SANA MAKASAMA AKO. MAGBEBENTA AKO NG ATAY AT BALUNBALUNAN KO PARA DON! WAA T____T]
Chapter 23
Seph's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama habang tahimik na nagmumuni-muni. Napakasarap talagang panuorin mula dito sa bintana yung mga punong sumasayaw dahil sa hangin, kasabay pa ng tamang init ng araw ngayong hapon--- na alam naman nating oras ng pagsi-syesta.
Yung mga tunog ng mga naglalarong mga ibon at katahimikan sa paligid. Ang sarap magpahinga lalo na kapag puro berde ang nakikita mo, the refreshing color of the nature is the color that I love the most.
"Haay!" Dumiretso ako ng higa sa kama at pinatong ang kanang kamay sa noo ko. Ang boring na araw, walang magawa kundi matulog at kumain lang.
Tinitigan ko ng maigi ang kisame ng kwarto, kahit matagal na ako sa bahay na 'to, hindi pa rin ako makapaniwala sa kalagayan ko ngayon, parang hindi totoo. Kahit kasi yung mga kasama kong mga monggoloid dito sa bahay ay makukulit, may isip bata at di mo alam kung lalaki ba o babae.
I cant still deny that I really love them, I so love it here. Nafefeel nyo ba ako? At hindi ko nga alam kung baket ang OA ko mag-narrate ngayon e. Tsk!
Ngumiti nalang ako sa mga naiisip ko, kahit maraming nagbago sakin at sa paligid ko, hindi ko pinagsisisihan to bagkus masaya pa ako--
"Seph, bat ka nakangiti?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang sulpot ng pagmumukha ni chanyeol sa harapan ko.
Agad akong umupo at lumayo sakanya, "Chanyeol! Ano ba!" Sigaw ko, pakiramdam ko makakapatay ako ngayon ng special child.
"Ahehehe, nagulat ka ba?" Kumamot sya sa likod ng ulo nya.