5. D-Dito?

322 40 0
                                    

CHAPTER 5


SUHO'S POV 


Sumilip ako sa Kwarto ni Seph pero tulog pa rin siya hanggang ngayon. Tanghali na, ah?


Siya lang ang nagiisa sa kwarto niya, dahil mga lalaki kami at nirerespeto namin ang pagkababae niya, pumayag na rin kaming gamitin niya ang bakanteng kuwarto na 'yon tsaka kuntento naman kami sa kwarto namin.


Bali mga apat lang ang kwarto rito sa bahay. At sa tatlong kwarto na 'yon, apat kami sa tig-iisang kwarto. Gaya nga ng sinabi namin, sa ipon namin lahat ito nabuo pero mas malaki lang ang nai-ambag ni kai. Nakakahiya nga, kesa naman sa amin konti lang. Tapos itong lupa naman, pagmamay-ari pa ng mga yumaong lolo't lola nila Kris at Lay. Ito lang daw kasi ang hindi nawala sa kanila. Sila lang ang may malaking naiiambag at kaming iba, talagang kapos pa noon.


Oo, mahirap talaga kami. Si Kai, Kris at Lay lang nakaranas ng marangyang buhay sa amin at ganoon din, pare-parehas kaming pinagkaitan lahat. Kahit na ganoon, wala akong sinisisi ni sino man sa pamilya ko.


Ang pamilya ko?


Ako na rin mismo bumubuhay sa kanila simula nang lumuwas ako rito sa maynila. Masyado kasing luklok sa alak at sa sugal ang pareho kong ama't ina. At ang bunso ko namang kapatid na babae, sakitin.


Kailan kaya matatapos tong paghihirap namin? Matagal na akong nagpapadala sa kanila ng gastusin nila sa araw-araw at sa gamot ng kapatid ko pero wala pa rin akong balita sa kalagayan niya. Kung malakas lakas na ba siya?


Ako si suho, wag niyo ng pansinin ang pangalan ko. 'Yan ang kadalasang tawag nila sa akin, eh. 24 na ako, pangatlo ako sa pinakamatanda sa aming dose, at ako lang naman ang nagiisang guardian nila hehehe. Kapag may problema sila, agad ko silang dadamayan. Ayoko kasing isa sa kanila ay manghina ang loob. Lalo na ang magkasakit kaya alaga ko silang lahat. 


S'yempre dapat ganoon ang guardian, parang ako na rin ang tumatayong mama nila, eh. Syempre pati si D.O, kami lang naman ni D.O at Chen ang mature mag-isip dito kahit papano. Si luhan at Xiumin, mas matanda pa samin 'yon minsan matured mag-isip, pero minsan talaga parang mga takas sa mental.


"Ma, hindi pa tayo aalis? Malalate na tayo sa trabaho." Tao 


"Ah hindi pa, hihintayin ko pang magising si Seph. Hindi ba nga kailangan niya ng trabaho?"


"Sigurado ka? Bakit kaya hindi na lang natin sya pagtrabahuhin? Tutal may trabaho naman tayo kaya kaya puwede naman siyang libre na lang dito sa bahay?" 


"Kung gusto niya, pero narinig mo naman ang sinabi niya diba? Gagawa siya ng paraan para maka-angat sa buhay at nang mapanindigan niya ang sinabi sa ama?"

The Group of 12 Hot CommonersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon