CH-38 Sino ba talaga?

256 33 41
                                    

BABALA: Puro ka-cornihan ang UD ngayon. Nawa'y pagpasensyahan Wahahahha!

Chapter 38

Seph's POV

"Bubuka ang bulalak, papasok ang reyna. Sasayaw ng chacha----"

Pinahinto ni Baek si Sehun sa pagkanta. "Teka, di ako marunong sumayaw ng Cha-cha. Spaghetting pababa nalang."

"Okay-Okay! Ulitin natin." Pumwesto ulit sina Tao, Sehun, Chanyeol at Chen ng pabilog sabay kumanta.

"Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna..." Rumampa papasok si Baekhyun sa loob ng circle, "Sasasayaw ng Spaghetting pababa, ang saya-saya!"

-____-

Langya! Feel na feel ng bakla gumiling.

"Boom tiyaya! Boom Tiyaya! Boom yeye~!"

Ayun nagsimula syang umikot ikot habang nakatip yung mata ng isang kamay nya, then yung isang kamay naman eh nakaextend at nakaturo sa apat.

Ta's yung apat naman eh todo na ang pag-ilag.

"Boom tiyaya! Boom tiyaya! Boom yeye~!"

Huminto si Baek at tumapat kay Tao yung daliri nya.

"SI TAO TAYA!"

"Ako nanaman? Andaya! Naninilip ka ata baekla eh!" Tao

"Oy di ah! Bakla lang ang maninilip!" Baek

"Waaa! So naninilip ka nga?!" Tao

"Aba't talagang?!" Baek

"Joke hehehe." Tao

Umulit nanaman sila sa kabaliwan nila, pero si Tao naman ngayon ang nasa gitna at gumigiling.

Hayy!

Nandito kami ngayon sa bakuran, alas tres na ng hapon pero ganyan parin sila ka-hyper.

Tumingin ako kina Xiumin at Kuya Luhan.

"Apir disapir. One half one forth. One forth one half disapir apir!"

Naglalaro naman sila ng Apir disapir. Paulit-ulit lang din.

Dada Kris naman nakatingala lang sa langit at malamang lumilipad ang utak at nagmumuni-muni nanaman mag-isa.

Yung kapatid naman nyang si Lay na nakaupo di kalayuan sa kanya eh kinakausap yung mga langgam sa lupa. -,-

Si Mama Suho eh katabi ni Kai, nakikitawa lang sila dun sa limang naglalaro ng reyna reynahan kuno.

Si Mama kyung?

Hmmm.

Katabi ko...

Baket...?

Enebe! Ketebe leng nemen eh!

-____-

Walang pasok kaya heto nanaman kami, nakamukmok at tulala sa bahay. Paminsan-minsan pumupunta si Loveliza para mag-abot ng turon o ano mang maisipan nyang iabot.. Mabait sana kaso wierdo.

Normal parin ang buhay namin. Sila Jin at Jennard busy sa company nila. Si Mom, madalas tumatawag para kamustahin ako. Si Dad? Ganun parin. Ata.

Pinagmasdan ko silang lahat na busy sa kanya-kanyang kabaliwan. Matagal-tagal ko na silang kasama. Umulan, umaraw, bumagyo, bumaha, nag-snow (I mean, umulan ng yelo na malalaki -_-) na lahat-lahat, sila naging kaagapay ko.

The Group of 12 Hot CommonersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon