CH-12 Suho

287 38 2
                                    

[SEE THE PICTURE/GIF ABOVE ^_^]


CHAPTER 12


SEPH's POV


"Mama suho, saan ka pupunta?" tanong ko kay mama suho na halatang paalis ng bahay, nakabihis kasi sya eh.


"Oo seph may lalakarin lang ako." Bakit parang ang tamlay ata ng mama suho namin ngayon?


"Ganun ba? Tutal paalis rin ako, pwede bang sumabay nalang ako sayo mama suho? Kung pwede lang naman?" kailangan ko kasing mamili ng mga ek-ek ko sa buhay, paubus na e.


"Sigurado ka? Oo naman bakit hindi? May bibilhin rin naman ako mamaya eh. Tara---pero wait..." napatigil sya saglit. Bakit? "Kumain ka na?"


Kumain?


Hmm hindi pa ako kumakain. "Hin--ay oo kumain na pala ako! Ahehe." sinabi ko lang yon para hindi nya ako pilitin. Hindi naman ako nakain ng almusal eh, tinapay at kape lang. You know, diet ako.



"Seph? Sigurado ka?" tinignan nya ako ng mabuti na para bang sinusuri ako kung nagsasabi ako ng totoo. Umiwas ako ng tingin. Ang hirap talaga magsinungaling pagdating kay mama suho at mama kyung peste.



"Oo na! Hindi pa ako kumakain--pero mama suho, wala namang pasok ngayon at tsaka hindi naman ako nakain kapag almusal eh. Alam mo naman kaming mga babae, takot tumaba." nagpout ako sakanya, ma-convince ka!


"Hayy! Sige, ililibre nalang kita mamaya ng tanghalian natin." nagliwanag ang mukha ko.



"Talaga? Saan? Sa Restaurant ba? Sa Greenwich?" natutuwang suhestyon ko pero nagpoker-face lang sya.



Oo nga pala? Hindi nya afford yun, sorry nalimutan ko. (_ _")


"Hahaha! Pero may alam naman akong kainan, wag kang magalala magugustuhan mo dun." hinila na ako ni mama suho palabas ng bahay."SEHUNNN! Isara mo yung pintuannn!" sigaw ni mama suho bago kami tuluyang umalis.

The Group of 12 Hot CommonersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon