Matapos ang mahabang byahe ay nakarating din kami sa apartment ni Camille na nasa 4th floor.
Pagkapasok namin ay agad kong nilibot ang paningin ko sa loob ng apartment niya.
Sa unang tingin ay magmumukha talaga itong maliit at masikip dahil sa mga gamit niya at sa pagkakadesenyo sa loob, pero kapag nakarating ka na sa gitna ay maaappreciate mong malaki pala siya dahil parang may magic ang mga gamit na bigla nalang umayon sa bawat sulok ng bahay at nagmukhang sakto lang ang lahat.
“Namangha ka din ba?” Natatawa-tawang tanong ni Camille habang sinasabit ang bag at jacket niya sa may pinto.
“Ang unique ng design.” Ngiting sabi ko bago nagtungo sa sofa para maupo.
“Alam mo bang eto ang pinakamurang unit dito?” Abot niya sa ‘kin ng baso ng tubig bago umupo sa katabing sofa sa kanan.
“Dahil sa laki?" Takang tanong ko.
“Bukod pa d’yan. May past kasi ‘tong unit na ‘to, sabi nila lahat daw ng tumitira dito minamalas.” Kwento niya.
“As in big time.” Dugtong pa niya.
Agad namang kumunot ang noo ko nang marinig ito.
“Hindi ka ba natatakot na malasin din? Or hindi ka pa tinatamaan kaya hindi kapa naniniwala?” Tanong ko sakanya. Bigla naman syang natawa dahil sa pilyong tanong ko.
“Hindi, haha. I mean kung mamalasin man ako, edi malasin. Nakadipende pa rin naman sa atin yung mga bagay-bagay. Kung gumagawa ka naman ng mabuti, syempre malabong malasin ka ng bongga.” Ani pa niya na may katotohanan din naman.
Bilib na talaga ako sa mga paniniwalang meron itong si Camille, pinaglihi ata ito sa lakas ng tiwala e.
“A-ahm, thank you talaga sa pagpapatuloy sa akin Camille. Wala akong kahit ano ngayon, pero babayaran kita kapag nakapagtrabaho na ‘ko at nagkapera.” Pilit ang ngiti kong sabi sakanya dahil nahihiya na ‘ko sa mga pinag-gagawa ko.
“Nawawala ka ba talaga Yhara?” Naniningkit ang mga matang tanong ni Camille.
Ramdam ko ang tensyon na ibinibigay niya na tila pinepressure akong sabihin ang totoo.
Mukhang kailangan ko nang sabihin sakanya ang totoo ngayon, dahil mahuhuli niya din naman ako kapag nagtagal. Isa pa ay kakailanganin ko ang tulong niya dahil wala akong mapupuntahan sa ngayon.
“I’m in a force marriage.” Nakayukong sabi ko. Hindi ko kayang harapin ang mga mata niya. Tinulungan niya na ‘ko pero nagawa ko paring magsinungaling sakanya.
“Kaya tumakas ka?” Kunot-noong tanong niya.
Marahan naman akong tumango para sagutin ang tanong siya.
“So anong plano mo ngayon?”
Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya ngayon dahil nakayuko pa rin ako at takot pa ring harapin siya.
“I plan to find a job for now, and pay you after. Ayoko namang umasa lang sayo pagkatapos mo akong tulungan. Sobrang laking tulong na para sa ‘kin ng ginawa mo, nakakahiya na...”
Nakayuko ko pa ring sabi, nang bigla kong maramdaman na may mabigat na kung anong pumatong sa mga balikat ko, kaya agad ko itong tinignan.
Kamay pala iyon ni Camille.
Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilaan kong balikat bago ako seryosong tiningnan sa mga mata.
“Pwede kang mag-stay dito hangga’t wala ka pang nahahanap na trabaho, tsaka alam ko namang may dahilan ka kaya ka nagsinungaling nung nakita mo ‘ko. Huwag kang mag-alala hindi ako galit dahil sa ginawa mo.”
Kita ko ang ngiti sa mga mata niya.
Ramdam ko ang pag-aalala ng isang tunay na kaibigan dahil sa pagkakahawak niya sa akin.
“Salamat Camille, salamat ng marami...”
Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at bigla ko nalang syang niyakap.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, natutuwa ako, na naiiyak dahil nakahanap ako ng taong totoo na malalapitan ko ngayong walang-wala ako.
“Ano ba Yhara, ang drama na natin. Alam mo may stock pa ako ng beer d’yan sa ref. Why not we enjoy this night with chicken and beer? We will be having a girl’s party tonight.” Masayang aya niya sa akin bago tumayo.
Agad naman akong sumang-ayon sa suggestion nyang iyon kaya dali-dali na kaming pumunta sa kusina para ihanda ang mga kakailanganin namin.
Nag-umpisa na kaming magluto ni Camille ng fried chicken na gagawin naming pulutan para sa girl’s party namin ngayong gabi.
Habang nagluluto kaming dalawa ay hindi ko namalayang gumagaan na pala ang loob ko kay Camille. Pakiramdam ko ay matagal ko na syang kilala, na para bang kilala na talaga namin ang isa't-isa dahil sa closeness na meron kami ngayon. Hindi siya mahirap pakisamahan kaya siguro ganoon nalang kagaan ang loob ko sakanya.
“Yhara yung niluluto mo masusunog na, ang lalim naman nyang iniisip mo at nakalimutan mong may niluluto ka. Hindi pa nga tayo nag-uumpisa, mukhang naka-shot ka na agad.” Pabirong sabi nito habang inaasikaso ang manok na muntikan ko ng masunog.
‘Eh kasi naman Camille kasalanan mo ito! masyado kang mabait nadidistract akesh.’
“Iniisip ko lang na baka magkapatid tayo nung past life natin kaya ganito tayo ka close ngayon.” Pabiro kong sabi bago tinulak siya gamit ang bewang ko.
“Aysus, masyado ka namang nag-iimagine. Pero kung totoo nga na magkapatid tayo nung past life natin, ang swerte ko naman.”
Parehas kaming natawa dahil sa inakto niya sa huling salitang sinabi niya. Para kasing ang swerte niya talaga e ako nga yung swerte sa aming dalawa dahil nakilala ko siya.

BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
Roman d'amourWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly shown up from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement with the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads hear...