Ang bilis ng takbo ng oras at ala-cinco na agad.
Nag-uumpisa na ang lahat sa pag-aayos ng mga lamesa at ng kung ano-ano pang dapat ihanda bago magbukas.
Habang pinapanood ko sila ay may biglang nagsalita mula sa likuran ko na nagpa-igting sa akin.
“Why are you still standing here? Hindi ka ba tutulong sa kanila?” Malamig ang boses niyang sabi.
Si Sir Yohan pala. Akala ko hindi na siya lalabas sa lungga niya.
“A-ah sorry po.” Agad kong sabi bago nagtungo kay Camille para tulungan siya sa paglalagay ng sapin sa lamesa.
Halos isang oras din kaming nag-ayos dahil sa sobrang laki ng resto bar na ito.
“Sukatin mo na ‘tong uniform mo, para pwede nating palitan kapag hindi nagkasya.” Abot sakin ni Camille ng uniform na susuotin ko.
Pagkuha ko sa hawak niya ay agad ko itong binuksan para makita ang laman.
Isang fitted navy blue dress, na parang pang chinese yung style, yung hanggang leeg tapos may mahabang slit sa right leg part.
Medyo maikli ito at mukhang hanggang tuhod ko lang ang aabutin, at parang mas tataas pa nga sa hita ko dahil sa matangkad ako.
Agad akong napakunot noong nagtanong kay Camille habang nakalapat parin ang damit sa katawan ko. “Are you sure about this?”
“Lahat tayo ganyan ang susuotin mamaya pagkabukas ng resto kaya wala tayong choice Yhara.” Kibit balikat niyang sagot.
‘Mukha ngang wala akong choice kundi suotin ito at kumita ng pera para mabuhay’
Hindi rin nagtagal ay nagbukas na ang resto kaya nag-ayos na kaming lahat bago pumunta sa kanya-kanyang pwesto.
*****
“Yhara, sa table 4!” Sigaw ni Aj bago inabot sa akin ang isang ice bucket ng beer.
“Kaya mo pa?” Tanong ni Camille. Agad naman akong tumango bago ngumiti.
“Table 4, six pieces of beer. Anything you want to add sir?” Saad ko bago naglabas ng listahan, handa ng isulat ang idadagdag niya.
“What’s your best seller?” Tanong ng lalaking ito sa table 4.
Nakaupo siya sa medyo madilim na part kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
“Our sizzling barbeque sisig—”
“A-azriel!” Gulat kong sigaw ng matamaan ng disco light ang mukha niya.
Bahagya siyang umabante kaya’t mas lalong luminaw sa akin kung sino itong lalaking nakaupo sa harapan ko habang nakacrossed arms at matalim ang mga matang nakatingin sa akin.
“Continue.” Walang emosyong saad nito.
“W-what are you doing here?” Kunot noo kong tanong sakanya.
“Picking up my wife, who runs away from our house.” Seryosong sabi niya bago tumayo.
“I-im not coming with you!” Agad kong sabi bago nagmadaling umalis ng bigla niyang hatakin ang braso ko.
“I sacrificed my meetings, my business, my sleep and everything just to find you! I'm going crazy finding you, and yet you're still not willing to go home with your husband?” Kita ko ang galit at lungkot sa mga mata niya habang hawak parin ako.
“Azriel, I-i j-just—”
“What’s happening here?” Rinig kong sabi ng kung sino sa likuran ko.
“Sir Yohan.” Gulat kong sabi.
Nakatayo siya sa harap namin habang masamang nakatingin kay Azriel. Ramdam ko namang tumayo nadin si Azriel sa tabi ko habang binabalik ang madidilim na tingin kay Sir Yohan.
Agad na tumaas ang tensyon sa paligid naming tatlo ng bigla akong ilapit ni Azriel sa tabi niya bago ako mahigpit na hawakan sa bewang.
“If you have any problem, just come to me and let my employee go.” Madiin na sabi ni Sir Yohan ng sundan ng tingin ang kamay ni Azriel na nasa bewang ko.
Ramdam na ramdam ko ang tensyon na mayroon sa dalawang ito na tila matagal na silang may alitan at ngayon ay maaari silang sumabog ano mang oras.
“Why would I let my wife go?” Malamig na sabi ni Azriel.
"Wife huh?" Ngising tanong ni Sir Yohan ng ibaling niya sa akin ang tingin.
“Yhara...” Rinig kong sabi ni Camille malapit sa gilid ko. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala dahil nasa kamay na naman ako ng taong tinatakasan ko.
Agad ko naman siyang tinignan para ipahiwatig na kailangan ko ng tulong niya, ngunit tinignan niya lang ako na tila wala siyang magagawa.
Hindi ko na hinintay pang lumaki ang gulo dito sa loob kaya agad akong kumawala sa pagkakahawak ni Azriel sa'kin bago mabilis na tumakbo palabas.
“Yhara!” Rinig kong tawag ni Azriel ng makatakbo na ‘ko sa labas.
Wala akong oras na dapat sayangin kaya hindi ako nagpadala sa boses na tumatawag sa'kin at tuloy lang sa pagtakbo sa madilim na lugar.
Ramdam kong may sumusunod sa‘kin kaya agad ako napalingon, at doon nakita ko ang isang Azriel Milton na tumatakbo sa direksyon ko.
Hindi ko hahayaang makontrol niya ko ulit kaya hindi parin ako tumigil sa pagtakbo at mas lalo binilisan.
Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.
Dahil sa patuloy na pagtakbo ko ay ramdam kong bumabagal na‘ko, at maya-maya pa nga ay bigla kong naramdaman na umangat ang buong katawan ko mula sa lupa at ngayon ay para na akong sako ng bigas na nasa balikat niya.
“Get ready for your punishment, little vixen.”
Kahit anong panlalaban ko ay walang epekto sakanya dahil nanghihina na din ako, para akong lantang gulay na nasa balikat niya habang mabilis na tumitibok ang puso ko. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko hahayaan 'to, na kailangan kong gumawa ng paraan, pero paulit-ulit ko rin siyang hinahayaan na gawin lahat ng gusto niya sa'kin na parang asong nakatali na handang sumunod sakanya.
********************
Not good but not bad also, right? Pagpasensyahan nyo na ang poor writing skills ng bebecakes nyo, ineenjoy ko lang talaga ang pagsusulat at hindi na iniisip ang ibang details huhu.
Don't forget to vote, comment and share (≧▽≦)
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomanceWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
